Pagkatapos gumanap ng supporting roles, ngayon ay bida na si Andrea Torres, sa remake ng drama series na Sana Ay Ikaw Nga. Gagampanan niya ang role na unang ginampanan ni Tanya Garcia.

Photo: Ruel J. Mendoza

Kahapon, August 17, ang unang taping day ng mga bida ng upcoming GMA-7 afternoon series na Sana Ay Ikaw Na Nga—sina Andrea Torres at Mikael Daez.

Kinunan ang mga eksena nila sa Laguna.

Inamin ni Andrea na talagang excited siya dahil ito na raw ang katuparan nang matagal na niyang gustong mangyari sa kanyang career.

“Para pa rin po akong nananaginip. I can’t believe first taping day na namin ni Mikael.

“Kami ang magiging bida—parang nakakakaba.

"Pero at the same time, excited ako, masaya kami ni Mikael para sa araw na iyon,” kuwento ni Andrea nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Executive Lounge ng GMA Network Center noong August 14.

“Ibinigay na po sa amin ang script at paulit-ulit kong binabasa. Tsine-check ko kung name ko nga ang nandoon—at name ko nga!

“Pasensiya na po kayo kasi masayang-masaya lang talaga ako.”

Last week ay nagkaroon na sila ng pictorial at kinunan na rin a few days ago ang TV plug nila ni Mikael para sa kanilang series.

Kuwento ni Andrea, “Noong pictorial nga po, yun ang day na sobrang lakas ng ulan sa Metro Manila.

"Ako nga ang unang nakarating sa pictorial, kasi ako lang ang hindi nabaha.

“Si Mikael kasi, he’s coming pa from Katipunan, baha yung paligid ng condo building niya. Even the rest of the cast, baha ang mga dadaanan nila.

“Akala ko nga po, hindi matutuloy yung pictorial dahil grabe talaga ang weather that day.

"Pero nagdatingan din sila nang paisa-isa. Natuloy din kami.”

SEXY TV PLUG. Noong kinunan ang TV plug nila ni Mikael, medyo may pagka-sexy dahil nakatakip sila ng puting kumot.