Pagkatapos gumanap ng supporting roles, ngayon ay bida na si Andrea Torres, sa remake ng drama series na Sana Ay Ikaw Nga. Gagampanan niya ang role na unang ginampanan ni Tanya Garcia.

Photo: Ruel J. Mendoza

“From my body movements to the way that I talk, kailangan magkaiba.

"Kaya malaking challenge po ito sa akin.”

Marami raw ginawang changes sa takbo ng istorya ng Sana Ay Ikaw Na Nga sa 2012 remake nito.

“Updated po ang story at may mga iibahing mga scenes para bumagay sa panahon ngayon.

“Iba raw kasi ang situation noong series ten years ago. Kaya meron silang iibahin at meron silang idadagdag.

“Kahit nga raw sa mga characters, meron silang ni-retain from the original at meron silang tinanggal na.

“Two years kasing tumakbo yung Sana Ay Ikaw Na Nga kaya lumaki ang cast nila noon.

"Ito naman daw po, one season lang kaya small cast lang ang kailangan.”

Kasama sa bagong cast ng Sana Ay Ikaw Na Nga sina Gabby Eigenmann, Chynna Ortaleza, Alicia Alonzo, Jestoni Alarcon, Ynna Asistio, Jace Flores, Jan Marini Alano, Marky Lopez, at Rita Avila.

Si Dick Lindayag ang magdidirek ng remake ng Sana Ay Ikaw Na Nga, na magsisimula na sa September 3.

Ito ang papalit sa Kasalanan Bang Ibigin Ka? sa tinatawag na GMA Afternoon Prime.