news

Senator Bong Revilla says about his first telemovie for GMA-7: "Hindi ako excited... excited na excited!"

by Rommel Gonzales posted on August 19, 2012  STATS: 23230 Views | 35 Comments

Sa kauna-unahang pagkakataon ay gagawa ng malaking proyekto ang actor-politician na si Senator Bong Revilla sa GMA-7. Ayaw niyang tawagin itong teleserye o epicserye, kungdi telemovie: "I want something big kasi minsan ko lang gagawin ito, e. This might be my first and last na telemovie na gagawing ganito."

Photo By: Noel Orsal

Noong August 16 ay nagkaroon ng story conference para sa kauna-unahang drama series na pagbibidahan ni Senator Bong Revilla, ang Indio.

“Hindi ako excited… excited na excited!” sambit ng actor-politician tungkol sa proyektong ito, sa taped interview sa kanya ng Startalk TX.

 

“Sabi ko nga, never pa akong gumawa ng isang soap. If ever na gagawa ako, I want a telemovie.

“Television, pero movie ang approach."

 

Sa January 2013 pa raw ipapalabas sa GMA-7 ang Indio, pero ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ito ni Bong at ng produksyon.

 

Paliwanag ng aktor, “I want a longer time, for effects, longer time for shooting.

“Ayoko nang minamadali, ayoko ng simpleng proyekto.

“Gusto ko… I want something big kasi minsan ko lang gagawin ito, e.

“This might be my first and last na telemovie na gagawing ganito.

“Habang bata pa tayo, gusto ko namang mabigyan yung mga tagahanga natin ng libreng mapapanood sa telebisyon. Of course, na epic proportion ang ating telemovie, malaking-malaki.

“Mahigit isang taon na naming pinaghandaan ito, e, dahil ultimo sa direktor, pumili tayo ng batang direktor na magha-handle nito, tapos yung sa casting.”

Ang direktor ng Indio ay si Dondon Santos, na bagong lipat mula sa ABS-CBN.

Dagdag pa ni Bong, “Parang pelikula talaga.

“Sabi ko nga, it’s a telemovie that’s why… ayokong sabihin na ito’y teleserye o epicserye. It’s a movie on television.”

Tatlo ang magiging leading ladies ni Senator Bong dito: ang Kapuso actresses na sina Jennylyn Mercado, Maxene Magalona, at Rhian Ramos.

“Mga bata kaya kailangang bata rin ako!” ang tumatawang sabi ng 45-year-old actor-politician.

“Kaya every morning nagwo-workout, diet… so I really have to look younger.”

Kabilang din sa malaking cast ng Indio sina Jomari Yllana, Agot Isidro, Polo Ravales, Robert Arevalo, Benjie Paras, Bobby Andrews, Maritoni Fernandez, at Chinggoy Alonzo.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

35 Comments

  • 35  stan_stan

    08/20/2012 | 07:15 PM
    teka muna, 2016 pa matatapos ang termino ni bong sa senado e...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 34  greatness

    08/20/2012 | 06:43 PM
    Kaya sa 2103, vote wisely pls.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 33  greatness

    08/20/2012 | 06:41 PM
    Sayang naman ang buwis na binabayad ng mga pinoy, sana huwag na lang tumakbong politiko kung di rin lang kayang panindigan!!!! Ok na sana yung once a year movie for him pero a teleserye or telemovie, sobra na! tama na! Senador ka pa naman!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 32  amang

    08/20/2012 | 05:54 PM
    ulala! another history of Philippines TV has come to arrived!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 31  milomilo123

    08/20/2012 | 06:58 AM
    ibalik nyo na si ramonaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 30  callmekeylee

    08/20/2012 | 12:08 AM
    I wish he should just concentrate more on poltics. doing a movie is okay but teleseries takes so much time.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 29  gorgeous_aleck

    08/19/2012 | 10:33 PM
    bakit c rhian? sana palitan niyo dahil may iba pang mas deserving sa kanya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 28  darl722

    08/19/2012 | 07:12 PM
    Kadiri ang ganitong mga pulitiko na ang aga mangampanya!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 27  tangerine_dream114

    08/19/2012 | 06:09 PM
    dapat talga may mga laws na nagbabawal sa mga politicians na magpart time as artista. unang una dapat conctrate na lang sila sa duties nila, sayang naman binabayad ng mga taongbayan sa inyo. pngalawa added exposure din yan sa pngangampanya nila sa darating na eleksyon. only in the phils talga
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 26  lovetrip

    08/19/2012 | 04:11 PM
    Asan n c RAMONA???
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    daiguro01
    08/19/2012 | 04:23 PM
    good question!
  • 25  spicy_tuyo

    08/19/2012 | 04:10 PM
    Naiinggit si Bong kay Lito Lapid LOL! Pero kalokohan talaga - gawin bang leading ladies ang obvious naman na mukhang anak na niya. Magworkout ka senator ng bonggang-bongga yung tipong kalevel na ng katawan nina Brad Pitt at Tom Cruise. If not, gumawa ka na lang ng The Expendables Pinoy version - isama mo si Ipe, Jinggoy, Lito Lapid, Dante Varona, Cesar Montano, Ian Veneracion at Raymart Santiago. Isama na rin sina Jeric Raval, Joko Diaz, at Rommel Padilla.
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    Space_Ace
    08/19/2012 | 07:22 PM
    matagal na pong nakaplano yang indio ni Sen Bong bago pa lumabas na magkakaroon si lito lapid ng teleserye.
    jams_mom
    08/20/2012 | 12:26 AM
    yeah, it's the other way around... bong and GMA had been planning on a teleserye long before ABS got lito lapid... as it is, bayad-utang na loob ni noynoy ang pagkakaron ng tv show ni lapid...
  • 24  daiguro01

    08/19/2012 | 03:53 PM
    dapat sa pinas may moonlighting law sa mga public servants/politicians.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  callmekeylee

    08/19/2012 | 02:38 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  yan_27

    08/19/2012 | 02:02 PM
    sa dami ng puedeng leading ladies bat si maxene at rhian pa nu ba yan..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    violet_blooms06
    08/20/2012 | 05:44 AM
    tama
  • 21  Manster10

    08/19/2012 | 12:58 PM
    Another Tito Sotto wanabee hayz sayang lang buwis ng mga Pilipino napupunta lang s ganitong pulitiko imbes Na mag focus s problema nang bansa ayun my gana pang gumawa ng teleserye hayz sana wak itong tangkilikin at pamarisan.,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  kinabog

    08/19/2012 | 12:52 PM
    after some phenomenal telefantasya ng GMA, here comes epicserye and telemovie. Yung ABS paumpisa palang sila sa telefantasya sa pamamagitan ng Capt Barbel at Darna. Sabi ng GMA, been there done that. Sunod lang ang ABS sa yapak ng GMA. Thats another FACT! LOL!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    daiguro01
    08/19/2012 | 03:54 PM
    nakadrugs ka ba? hahaha hello marina!
  • 19  oneglobal

    08/19/2012 | 12:21 PM
    this is one of a kind...another milestone in tv coming from the best tv station...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  dappy

    08/19/2012 | 11:40 AM
    ang babata namn ng mga kapareha nya.. parang mga anak na lang nya..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    Space_Ace
    08/19/2012 | 07:22 PM
    di naman halata eh. hehehehhe
  • 17  chowee143

    08/19/2012 | 11:39 AM
    haay buhay, alin ba d2 ang part time mo ha Bong. senado or artista? balita ko very demanding ang oras na kinakain ng may teleserye e, panu yan? absent muna sa isa, concentrate muna sa teleserye? san kb nkakita senador tas gabi gabi napapanuod sa tv? ONLI SA PNAS! hayst bt kc dami bumuboto d2 e!
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    Space_Ace
    08/19/2012 | 07:17 PM
    sabihin mo din yan kay Lito Lapid kapag nagsimula na ang teleserye nya sa network mo ha.
    chowee143
    08/20/2012 | 09:02 AM
    ok isama mna c lito lapid at lht ng mgapulitikong nag pa part time sa serbisyo publiko , o anu happy kna? kay Bong kc article to kya xa lng ang ni comment ko, ska wala akong network, nde aq mahilig sa network war na yan, pde ba stick ka sa topic ha, wag isali network war ska baasahin maige comment ko ng magka alamn utak mo.
  • 16  Stantiel

    08/19/2012 | 11:31 AM
    Another exciting offer from GMA! I must say that the network is truly living up to its standard of being number 1. However, I must also admit that I agree with several comments below pertaining to Bong R. making a sideline in show business rather than focusing 100 on his responsibilities as a Senator. Their term of service in the government isn't enough to resolve the many issues being faced by the nation so why bother deviate from what's much more necessary? It would have been better for the role that he's getting in this telemovie to be portrayed by someone else not into politics.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About