Regalo na raw ni Ogie Alcasid ang pagpapalabas ng pelikula niyang I Do Bidoo Bidoo para sa kanyang kaarawan. Pagmamalaki niya, "You know what, it’s a very good film, storywise. At the same time, it’s very entertaining. Ano siya… ipagyayabang mo, ipagyayabang mo."

Photo: Noel Orsal

Magandang regalo para kay Ogie Alcasid ang pelikula niyang I Do Bidoo Bidoo sa ilalim ng Unitel Productions at Studio 5.

Dalawang araw kasi bago ang showing nito sa Agosto 29 ay ipagdiriwang ng actor-singer ang kanyang ika-45 na kaarawan.

Sabi ni Ogie, “Masaya ako kasi birthday ko, August 27. So, it’s very, very exciting.

“Halos lahat naman ng nakikita ko sa Twitter at Facebook ay very excited sila para sa movie.

“Ako naman, kumbaga, regalo niyo na lang din para sa birthday ko and hindi rin naman ako mapapahiya sa movie namin.

“You know what, it’s a very good film, storywise. At the same time, it’s very entertaining.

“Ano siya… ipagyayabang mo, ipagyayabang mo.

“It wasn’t easy to shoot, but we were able to finish it in time for August 29.

“So, I’m very excited.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ogie sa press screening ng I Do Bidoo Bidoo kahapon, Agosto 22, sa Ultra 7 Cinema ng Eastwood Mall.

Bukod kay Ogie, dumalo rin sa screening si Tippy Dos Santos, na introducing sa pelikula.

Present din ang direktor nito na si Chris Martinez; at ang staff ng Unitel Productions, sa pangunguna ng producer na si Madonna Tarrayo.

Kabilang din sa cast ng I Do Bidoo Bidoo sina Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Sam Concepcion, at Eugene Domingo.

LOVE SCENE WITH UGE. Maituturing din ni Ogie na “pasabog” para sa kanyang birthday ang ginawa niyang love scene sa pelikula kasama si Eugene, na gumaganap na asawa niya.

Sa press screening nga ay isa ito sa mga eksenang pinalakpakan ng mga nanood na press dahil sa maganda nitong execution na nagdulot ng kakaibang aliw.