Inamin ni Mikael Daez na malaki ang posibilidad na ma-in love siya sa ka-loveteam na si Andrea Torres. Sabi niya, “Yun nga, dahil intense ang mga scenes, kailangan kilalanin niyo ang isa’t isa at inilalagay niyo ang sarili niyo sa isang spot na vulnerable ka.”

Photo: Anderson Granali

Noong Huwebes, August 23, ay ginanap ang press conference para sa bagong afternoon soap ng GMA-7, ang Sana Ay Ikaw Na Nga, na pinagbibidahan nina Mikael Daez at Andrea Torres.

Ang Sana Ay Ikaw Na Nga ay remake ng 2002 primetime drama na pinagbidahan noon nina Dingdong Dantes at Tanya Garcia.

Sa presscon, kapansin-pansin na halos hindi inaalis ni Mikael ang kanyang kamay sa baywang ni Andrea habang sila’y ini-interview ng media.

Biniro tuloy ng press si Mikael tungkol dito, at saka para siyang na-concious at bigla niyang tinanggal ang kamay sa baywang ng kapareha.

Tnanong pa rin ng PEP si Mikael kung ano ang ibig sabihin ng paghawak niya sa baywang ni Andrea. Pampakilig ba ito o bahagi ng promo para sa kanilang pinagbibidahang soap?

               

“No, hindi ito pampa-plastic lang,” nakangiting sagot ng model turned actor.

Paliwanag niya, “First loveteam ko at first loveteam din ni Andrea. 

“Noong first meeting namin at ini-announce sa amin na kami na po ang magla-loveteam dito sa Sana Ay Ikaw Na Nga, in-explain nila ang mechanics ng loveteam, business side ng loveteam.

“Alam mo yun, we just want to do our best to please GMA and give back na naglagay sila ng tiwala sa aming dalawa. Hindi lang as individual but also as a team.   

“I guess, in a way, pinag-usapan.

“Pero sinabi namin na, ‘Kung gusto talaga nating mag-work, kung gusto talaga nating lumabas ang chemistry, we really need to get to know each other.’

“Without the least saying that, I think, alam na naming dalawa yun.”

Bukod sa mga workshops na ginawa nila, nakatulong din daw sa kanila ni Andrea ang ilang regional shows na pinagsamahan nila upang mas makilala at maging malapit sa isa’t isa.

Kuwento ni Mikael, “During regional, sa Naga at Legaspi, we made it a point lang na magkasama kaming kumakain.

“Pero naging natural lang na naging comfortable kami with each other, natural lang na nade-develop yung connection, chemistry. 

“And I guess, kami ang loveteam sa soap na ito, we want to showcase na yung chemistry namin sa isa’t isa.