Ipinaliwanag ni Maricel Soriano kung bakit walang tarayan at sampalang eksena sa short films na ginawa niya kasama ang Top 15 Protégé contestants: "Kung merong dito na ganung eksena, pa’no yung iba? Who I think also want the same thing na… o, di ba?"

Photo: Monching Jaramillo

“May stiff neck ako,” nakangiting bungad ng Diamond Star na si Maricel Soriano, habang hawak ang batok, pagpasok niya sa UCC Vienna Café sa may Connecticut, Greenhills, San Juan, kaninang tanghali, August 24.

Kahapon kasi ay nag-taping si Maricel bilang special celebrity guest sa artista search ng GMA-7 na Protégé.

Siya ang nakaeksena ng natitirang Top 15 protégés sa short films na idinirek na Brillante "Dante" Mendoza.

Ayon kay Maricel, baka medyo nanibago lang ang katawan niya.

“Number one, excited ako, e. Kasi siyempre, iba naman ‘to.

"Bagong sibol. Sabi nga, di ba?

"Natuwa ako kasi they’re very dedicated. Talagang naka-focus silang lahat," sabi ng award-winning actress tungkol sa Protégé contestants.


MOTHER ROLE. Anu-ano ang naging roles niya sa short films na ginawa nila?

Kuwento ni Maricel, “Yung isang nanay na galing sa kulungan, sa Saudi. Tapos umuwi siya na may napatay siya. Yung ganun.

“Pero naayos yun, so nakauwi siya, e.

"Yung mga anak niya for how many years, hindi niya nakasama.

"So, lumaki sila nang ganun... na walang nanay, na walang kasamang tatay.

“Parang gulat na gulat yung nanay na, ‘Ba’t ganito yung mga anak ko? Ano’ng nangyari?’

"Yung isa, gustong mag-dancer sa Japan. Yung isa, gusto niya sa nightclub naman mag-dance. Yung gano’n.

“Talagang yung nanay, nagulat.