Jace Flores on life after Survivor Philippines: “Kahit hindi ako nanalo, I still feel na para akong nanalo. Never akong nabakante, never... So, parang nilalaro ko yung parehong mundo—may hosting ako, may acting din ako. So, masaya siya, masaya. Tsaka the longer and the more I’m doing this, mas nagiging passionate ako.”

Photo: Courtesy of GMA-7

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa actor-TV host na si Jace Flores, kanyang ipinaliwanag kung bakit hindi niya itinuloy ang pagdedemanda sa isang transgender na nag-audition noon sa Protégé.

Ito ay may kinalaman sa alegasyon ng isang Jerrich Divinagracia na may nakarelasyon daw siyang tatlong dating reality-show contestants.

Nauna nang lumabas ang pangalan ng StarStruck alumnus na si Martin Escudero na nakarelasyon diumano ni Jerrich. Pero mariin itong itinanggi ng ngayo’y Kapatid young actor.

(CLICK HERE to read related story.)

Bukod kay Martin at isa pang reality-show alumnus, ang isa pa raw tinutukoy ni Jerrich ay ang dating castaway ng Survivor Philippines na si Jace.

CHANGE OF PLANS. Bakit hindi itinuloy ni Jace ang paghahain ng reklamo laban sa transgender?

Paliwanag ng Kapuso talent, “Bigla na lang siyang… e, kasi may mga nagsabi rin naman sa akin na hindi naman niya binanggit ang pangalan ko on-air, tapos bigla na lang siyang nawala.

“Kung tinuluy-tuloy niya yun, na kung talagang pinanindigan niya na ang mga kung anu-ano pang interviews, talagang itutuloy talaga siguro namin yung demanda.”

Nakausap ng PEP si Jace sa presscon ng kinabibilangan niyang afternoon soap sa GMA-7, ang Sana Ay Ikaw Na Nga, noong August 23 sa Excess Superclub sa may Timog Avenue, Quezon City.

 

Kung hindi naman pala nabanggit ang pangalan niya, bakit siya nasangkot sa isyu?

“Actually, ang nangyari kasi niyan, parang… isang umaga, may nag-tweet sa akin—nagtatanong kung totoong may nakarelasyon ako na isang transgender.

“Natawa lang ako.

“Ngayon, nung bandang hapon na, may tumawag sa akin na reporter—which is my co-host, kaibigan ko—si Jun Veneracion.”

Si Jun ay kasamahan ni Jace sa GMA News Channel magazine show na Best Men. Ang isa pa nilang co-host dito ay si RJ Ledesma.

“Sabi niya sa akin, ‘May kumalat na parang may nakarelasyon ka.’