Marky Lopez on doing his responsibility as a father to five-year-old daughter with Girlie Sevilla: “Kaya kahit hindi kami nagkatuluyan ni Girlie, 'pinapadama ko pa rin sa anak namin na may pamilya siya. Nandito pa ang tatay niya na handang makita siya kahit anong oras.”

Photo: Courtesy of GMA-7

“Kaya kahit hindi kami nagkatuluyan ni Girlie, 'pinapadama ko pa rin sa anak namin na may pamilya siya.

“Nandito pa ang tatay niya na handang makita siya kahit anong oras.”



FINANCIAL SUPPORT. Kahit hindi natuloy ang pagsasama nina Marky at Girlie, hindi naman daw naging pabayang ama ang aktor sa kanilang anak.

Buwan-buwan ay meron daw siyang ipinadadalang sustento.

“Ako talaga ang nagsabi na kahit na anong mangyari, magbibigay at magbibigay ako ng sustento sa anak namin.

“Ayokong may masabi ang pamilya ni Girlie sa akin.

“Ayokong sabihin nila na pabaya at iresponsable akong tao.”

Kaya nga nagpapasalamat si Marky dahil hindi siya nawawalan ng trabaho sa GMA-7.

“Tuwing may bagong show, isinasama nila ako.

“Hindi naman ako mapili sa role na ibigay nila. Kahit na sidekick forever na lang ako sa mga bida, okey lang.

“Ang importante ay may trabaho tayo para patuloy ang sustento ko sa aking anak.”


THE SIDEKICK. Dakilang sidekick or best friend ang kadalasang role ni Marky sa mga teleserye ng Kapuso network.

Ang ilan sa mga ito ay: Encantadia, Bakekang, Marimar, Ako Si Kim Samsoon, Luna Mystika, All About Eve, Rosalinda, Full House, Langit Sa Piling Mo, Beauty Queen, Captain Barbell, My Beloved, at ngayon nga sa Sana Ay Ikaw Na Nga.

Sabi ni Marky, “Okey lang ako sa mga roles na best friend.

“Naging best friend na ako nina Dingdong Dantes, Mark Anthony Fernandez, Luis Alandy, Richard Gutierrez, Mark Herras, Mike Tan, at ngayon si Mikael Daez naman.

“Pambalanse lang naman ako.