Pagkatapos ng tatlong taong pagkabinbin ay ipalalabas na sa wakas ang ikatlong pelikula nina Aga Muhlach at Regine Velasquez, ang Of All The Things. Sa presscon ng pelikula ay inamin ng aktor na tinangka niyang ligawan ang singer-actress noong una nilang pagsasama, pero hindi niya itinuloy.

Photo: Nimfa Chua

Makalipas ang ikatlong taon, ipalalabas na sa mga sinehan ang nabinbing pelikula nina Aga Muhlach at Regine Velasquez—ang Of All The Things, na idinirek ni Joyce Bernal para sa Viva Films at GMA Films.

Ito ang ikatlong pelikula nina Aga at Regine pagkatapos ng Dahil  May Isang Ikaw (1999) at Pangako…Ikaw Lang (2001).

Kaninang hapon, August 27, ay ginanap ang presscon ng Of All The Things sa Citybest Restaurant sa Timog Ave., Quezon City.

Dito ay natanong sina Aga at Regine kung hindi ba dumating ang puntong nagkagustuhan sila.

Nang una silang magsama sa pelikula noong 1999, ang Dahil May Isang Ikaw, ay pareho pa silang single.

Ikinasal si Aga sa beauty queen-actress na si Charlene Gonzalez noong May 28, 2001—taon kung kailan ipinalabas ang ikawalang pelikula nina Aga at Regine, ang Pangako…Ikaw Lang.

Si Regine naman ay ikinasal sa singer/songwriter/comedian na si Ogie Alcasid noong December 22, 2010.


AGA'S "GIRLFRIEND." Hindi kasi kumbinsido ang ilang miyembro ng media na chemistry at friendship lang meron sila kung kaya’t nag-click ang kanilang tandem sa pelikula.

Tanong ng veteran entertainment columnist na si Jun Nardo kay Aga: Hindi ba siya “nagnasa” kay Regine sa mga naunang pelikulang ginawa nila?

Natawa ang 43-year-old actor sa narinig na tanong.

Ipinaalala muna ng aktor na nang mag-martsa ang misis niyang si Charlene sa kasal nila noon sa St. Joseph the Worker Parish, Baguio City, ay si Regine ang kumanta.

Aniya, “She went all the way to Baguio just to sing para sa amin.

“Ang biruan nga namin, parang hindi ko ma-get over, parang feeling ko, girlfriend ko pa siya!”

Nagulat ang mga imbitadong press, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa sinabi ni Aga.

Pero natatawang paglilinaw ng aktor, “Hindi ko siya naging girlfriend, hindi! Baka sabihin namang…