Regine Velasquez on supporting Aga Muhlach's political bid: “Kasi sa akin, meron siyang desire to help people. Siguro yun talaga ang gusto niyang mangyari sa buhay niya, kaya susuportahan ko siya as my friend...Ang hirap ng pulitika kasi you serve the people—that’s your purpose for running. If that’s your purpose for running, okay, go!"

Photo: Nimfa Chua

Kinilabutan daw sina Aga Muhlach at Regine Velasquez nang magsimula uli mag-shooting ang pelikula nilang Of All The Things, matapos ng tatlong taong pagkakabinbin nito.  

May mga eksena raw kasing hindi nila akalaing magkakaroon ng kaugnayan sa bagong buhay na papasukin—lalo na ni Aga, na papasok sa pulitika sa susunod na eleksyon.

Sabi nga ng aktor, marami sa mga eksenang nakunan na sa pelikula ay ginawa sa Bicol.

At ngayon nga ay tatakbo siya bilang kongresista sa ika-apat na distrito ng Camarines Sur, isang bayan sa Bicol region.

Lumalabas tuloy na parang may dahilan kung bakit nahinto ang shooting ng pelikula at sa taong ito lang natapos.

Sabi ni Aga, “If we’re talking about, let’s say yung pagpasok ko sa pulitika, parang hindi sinadya. 

“Feeling ko naman, local lang yun sa akin, hindi naman kailangan yung pelikula para ipanalo sa akin sa pagtakbo ko. 

“Kasi nga, next year pa naman yun [eleksyon].

“Kung may pelikula na kailangan kong i-showing, dapat i-showing ko yun January or February next year.”

Sa March 2013 ang simula ng kampanya para sa May 2013 elections.

Dito na ikinuwento ni Regine ang sinasabing nakakapangilabot na koneksyon ng pelikula sa buhay nila. 

“I don’t think na... hindi naman boboto ang tao sa pelikula, e. Hindi naman yun ang basehan," pasimula ng Asia's Songbird.

“Nagkataon lang na yung pelikula namin, nasa world ng pulitika. Nagkataon lang talaga.

“Yung pelikula namin is really talking about politics, laws…

“And there’s this line there, na hindi na namin sasabihin…