Ito ang advice ng aktres na si Jan Marini Alano upang magtagal ang pagsasama ng mag-asawa na nasa showbiz, gaya nila ng asawang si Gerard Pizzaras: “Yung tiwala sa bawat isa, importante yun talaga. In this business pa naman, left and right ang temptations. Kung walang strong foundation ang pagsasama ninyo, it will all end up sa hindi magandang paghihiwalayan.”

Photo: Courtesy of GMA-7

Isa sa matatag at hinahangaang showbiz couples ay ang samahan nina Jan Marini Alano at Gerard Pizarras.

Twelve years nang kasal ang dalawa na biniyayaan ng dalawang anak—sina Rian, 10 years old, at Rain, 5.

Nagsimula ang relasyon nina Jan at Gerard nang magkatrabaho sila sa ABS-CBN drama series na Mula Sa Puso noong 1997.

Gumanap silang magkasintahan doon na kalauna’y nauwi sa isang totohanang relasyon.

Kuwento ni Jan sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Bale fifteen years na kami ni Gerard.

"Three years ko siyang naging boyfriend bago ko siya maging mister.

“Nakakagulat nga na twelve years na pala kaming dalawa. Parang kelan lang, di ba?

"Ang mga kids namin, ang bilis lumaki! In two years, may teenager na kami."

Nakausap ng PEP si Jan sa press launch ng bagong afternoon drama series ng GMA-7, ang Sana Ay Ikaw Na Nga, last August 23, sa Excess Super Club, Timog Avenue, Quezon City.



COMMUNICATION & TRUST. Ano ang sikreto ng kanilang matatag na relasyon?

“Since pareho kaming may trabaho ni Gerard, we make it a point na may communication kami parati.

“We work kasi in different locations. So kapag may time, we call one another at pareho naming tsine-check ang mga bata sa bahay.

“Pag tapos naman na ang trabaho, uwi kaagad para at least mag-abot kami ni Gerard.

"At may time kaming magkuwentuhan at alamin sa bawat isa ang mga nangyari sa araw na iyon.

“Kahit hindi man kami magkaroon ng time sa umaga, dahil pareho kaming may maagang trabaho, hindi namin patatapusin ang araw na hindi kami nagkakausap," saad ng Ang TV alumna.

Aminado si Jan na maraming temptations sa trabaho nila ni Gerard kaya kailangang nandoon ang trust nila sa isa’t isa.