Pagkatapos niyang manalo ng acting award, lalo raw naging maingat at pursigido si Gabby Eigenmann sa kanyang trabaho. Sabi niya, “Dati pabandying-bandying lang ako sa trabaho. Parang minamani mo lang ang trabaho. Takot ka nang magkamali kasi all eyes are on you na, you’ve proven na something. Natatakot na ako ngayon na magkamali.”

Photo: GA Granali

Sa remake ng drama series na Sana Ay Ikaw Na Nga ay gagampanan ni Gabby Eigenmann ang dating karakter na ginampanan ni Eric Quizon bilang si Dr. Gilbert Zalameda.

Kumpara sa orihinal na serye na tinampukan nina Dingdong Dantes at Tanya Garcia, mas mapapaaga ang pagpasok ng role ni Gabby sa remake nito.

Sabi ni Gabby sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Dahil mas minadali nila ang kuwento, papasok na ako second week pa lang.

“Doctor ako, pero hindi ako ang magpapalit ng mukha ni Olga. Bale ako ang kumupkop sa totoong Cecilia.

“Actually, hindi triangle dahil nasa akin ang tunay, e.

“So, magre-revolve around sa apat, sa dalawang Cecilia.

"Kumbaga, parang creation ko siya,” saad ni Gabby.

Sa bagong bersiyon ng Sana Ay Ikaw Na Nga ay sina Mikael Daez at Andrea Torres ang gaganap sa mga pangunahing tauhan.

Pag-alala pa ni Gabby, nakasama siya sa orihinal na serye, kunsaan naka-love triangle siya nina Meryll Soriano at Kevin Vernal.



DEMOTION? Pagkatapos manalo ni Gabby last year sa Golden Screen Awards for TV bilang Best Supporting Actor para sa Munting Heredera, ginawa na siyang leading man ng GMA-7 sa sumunod niyang teleserye—ang afternoon soap na Broken Vow.

Pero ngayon ay balik-supporting role siya rito sa Sana Ay Ikaw Na Nga.

Bakit pumayag siyang maging suporta sa mga baguhang sina Mikael Daez at Andrea Torres?

Katwiran ni Gabby, “Realistically, I’m in no race anymore. Realistically, we call it a profession, a job. 

“Kung anuman ang naibibigay, hindi naman ako big star para mamili.

“But since binigyan ako ng oportunidad na mag-lead, tapos ngayon balik ako sa, let’s say support, hindi ko naman yun tatanggapin na ganun-ganon lang unless maganda ang pagka-presinta sa amin.

“So far, when they told us about the character nga, hindi na ako nagdalawang-isip.