news

Kris Lawrence reveals singing to his unborn child; ready to give support to Katrina Halili anytime

by Ruben Marasigan posted on September 5, 2012  STATS: 12121 Views | 4 Comments

Excited na si Kris Lawrence sa nalalapit na panganganak ng kanyang girlfriend na si Katrina Halili. Kuwento ng singer, kinakantahan niya ang anak nila ni Katrina kahit nasa sinapupunan pa lamang ito. Katuwiran niya, “Para ma-recognize niya yung boses ko paglabas niya. Kung minsan nga, ramdam yung pagsipa-sipa niya.”

Photo By: Noel Orsal

Noong September 1, Sabado, ay nagdiwang ang singer na si Kris Lawrence ng kanyang 30th birthday.

Pero nagdesisyon siya na isabay na ang selebrasyon ng kanyang kaarawan sa baby shower para sa magiging anak nila ni Katrina Halili.

Ginawa ito noong Biyernes, August 31, sa bahay ni Katrina sa Quezon City.

Kuwento ni Kris sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “It was fun. Ando’n ang ilang friends namin.

"Ang daming gifts. Natuwa kami kasi ang daming gifts para sa baby.

“Lahat ng ibinigay na gifts, pang-newborn baby, except yung… nakatanggap kami ng dalawang car seat.”

Nakausap ng PEP si Kris sa backstage ng Party Pilipinas noong Linggo, September 2.

Kabilang daw sa mga kaibigan nilang celebrities na dumalo sa party ay sina Aljur Abrenica, Jay-R, Denise Laurel, Rafael Rosell, Billy Crawford, at Nikki Gil.

Hindi nakarating si Marian Rivera dahil may commitment ito. Pero tiniyak ni Kris na isa raw ang aktres sa magiging ninang ng baby nila ni Katrina.



BIRTH DATE. Sa September 17 ang inaasahang petsa ng panganganak ni Katrina sa St. Luke’s Hospital, na malapit lang sa bahay ng sexy actress.

Ayon sa ultrasound, babae ang isisilang na sanggol ni Katrina.

Kuwento ni Kris, “Ready na yung emergency bag. Kasi she’s due anytime na, we’re just waiting.”

Kumusta na ba si Katrina ngayon?

“She’s good! She’s good.

“Actually, ngayon lang siya napapagod.

"During the whole time of her pregnancy, parang okey lang sa kanya.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

4 Comments

  • koneksyon_manila

    09/06/2012 | 08:26 PM
    Kris, Katrina, Kristrina: congratulations, GODspeed, goodluck, all the best, go for it, be happy, bless you, alls well that ends well, all roses ahead, may all the stars truly favour you, keep the faith, let the love always in bloom, you deserve more than the best.......TAKE CARE!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Angel_Wings

    09/06/2012 | 12:04 AM
    awww
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • LosAngeles

    09/05/2012 | 11:17 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    onechismis
    09/06/2012 | 04:50 AM
    you are so mean!
    gagaka_noh
    09/06/2012 | 05:20 AM
    ang sama nman ng ugali mo! hindi ka maka move on sa buhay? manganganak nlng yung tao bitter ka pa rin!
    deputahching
    09/06/2012 | 03:26 PM
    ikaw ang klase ng tao na ayaw makakita ng ibang taong masaya sa buhay nila. saksakan ka siguro ng kamalasan sa buhay kaya pati buhay ng iba gusto mo kaparehas mo ang maramdaman! tsk! nakakaawa ka naman.di ka makamove on. ikaw ba ay inabot ng kamalasan dahil sa sex tape ni katrina? kaya hanggang ngayon di ka makamove on?! kaya hanggang ngayon ayaw mong makakita ng mga taong masasaya sa buhay! tsk
  • marchioness

    09/05/2012 | 04:10 PM
    She and your daughter are lucky to have you in their lives as you appear to have so much love to give them. Best wishes and congratulations are in order. A safe journey for both mother and child.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About