Coco Martin on keeping his feet on the ground despite his success in showbiz: “Sabi ko nga, basta meron kang pinanghahawakang pamilya... Like ako, ang happiness ko, pamilya ko. And then, sabi ko, saka na ang mga pansarili.  Kapag naitayo ko na ang mga pangarap ko para sa kanila.”

Photo: Noel Orsal

Sa November 1 pa ang 31st birthday ni Coco Martin, pero itinuturing niyang early birthday present ang pagkakaroon niya ng sariling brand ng perfume sa Bench—ang Completely Coco.

Nagkaroon ng launching si Coco para sa kanyang perfume line kahapon, September 9, sa Music Hall ng SM Mall of Asia.

Natawa naman ang Kapamilya actor nang tanungin kung may plano na siya sa mismong kaarawan niya.

“Magtatago ulit!” biro niya.

“Sa bahay lang, parang sa family ko naman.

“Sabi ko nga, every day akong nagwo-work, at least, mabibigyan ako ng time para sa family ko naman.”



COCO’S STAR POWER. Hindi na maitatanggi ang hatak ni Coco sa mga tao.

Bukod sa toprating teleserye niya sa ABS-CBN na Walang Hanggan, hindi rin magkamayaw ang mga tagahanga niya tuwing may live appearance siya.

Ano ang reaksiyon ni Coco dito?

“Siyempre, para sa akin, masarap dahil fulfillment ito bilang artista na napapaligaya ko sila kahit papaano,” sagot ng aktor.

Sanay na ba siya tuwing nakakarinig ng malakas na tilian mula sa mga tao kapag lumalabas siya?

“Kinakabahan,” nakangiting sabi ni Coco.

“Siyempre, kahit paano, bago naman ako ano… hindi ako sanay. 

“Ang alam ko lang naman, umarte. 

“Pero pagkanta-kanta, ganitong fashion show, hindi ako sanay.

“Nilalakasan ko na lang ang loob ko.”