Maraming hindi nakitang mga eksena sa likod ng stage sa ginanap na musical tribute para sa yumaong Comedy King na si Dolphy kagabi, September 19. Kabilang na dito ang pagkikita at pagbebeso ng Kapuso actresses na sina Marian Rivera at Heart Evangelista.

Photo: Noel Orsal

Maaga pa lang kahapon, September 19, ay nasa SM-MOA Arena na ang mga artistang involved sa production numbers sa malaking musical tribute kay Dolphy, ang Alay Tawa: A Musical Tribute to the King of Philippine Comedy.

Marami nang nagre-rehearse para maging maganda ang performance nila sa kanilang number.



MARK HERRAS. Isa sa naabutan ng PEP.ph (Philippine Entertainment portal) na nag-eensayo ay ang GMA-7 talent na si Mark Herras.

Inamin ni Mark na sobrang kabado siya nung technical rehearsal dahil mahirap daw ang sasayawin nila ni Gab Valenciano ng ABS-CBN.

Nag-football mambo silang dalawa kung saan sinabayan nila sa video ang sayaw ng dating dancing duo na sina Dolphy at Bayani Casimiro.

Si Mark daw ang Dolphy sa number na iyon, habang si Gab naman si Bayani.

Sabi ni Mark sa PEP, "Kinabahan talaga ako sa technical rehearsal, kasi iniisip ko kung ten percent na magaya namin yung sayaw nila... kasi hindi ko naman sayaw yun, e.

"Pero nung nag-perform na kami, nawala na siya [kaba].

"Nakakatuwa kasi natuwa sa akin ang mga bosses, pati sina Direk Al Quinn, sina Eric [Quizon], sina Epy, si Boy2, binati nila ako."

Isa ito sa most-applauded number kagabi kaya malaki ang pasasalamat ni Mark na nairaos nila ni Gab ang mahirap na dance number na iyon.

Sabi pa niya, "Masarap sayawin kasi walang binago dun sa sayaw, e—as is ito.

"Kung ano yung isinayaw ni Tito Dolphy before, ganun yung gagawin namin."

MARIAN AND HEART. Sa holding area naman ng Arena, nakatambay sa loob ang ilang big stars na naghihintay isalang sa stage.

Namataan ng PEP sa isang sulok si Heart na kausap si Raymond Gutierrez.

Nasa kabilang mesa naman si Marian Rivera, kasama si Dennis Trillo at ang manager nilang si Popoy Caritativo.