Sa bagong primetime series na Coffee Prince, gagampanan ni Aljur Abrenica ang papel ng isang lalaki na magkakagusto sa isang akala niya ay kapwa lalaki. Gamay na ba niya ang kanyang role? Sagot ni Aljur, “Siguro sa ngayon, oo. Medyo gamay ko na. Pero yung mga darating pang mga eksena kasi, iyon po ang gusto kong kapain, e. Iyon ang gusto ko pang ma-absorb. Yung part na parang feeling ko may identity crisis ako. Na tinatanong mo ang sarili mo kung bakit nagkakagusto ka sa lalaki. Ang hirap nun!”

Photo: Noel Orsal

Saad ng Kapuso hunk, “Meron lang akong kakausapin tungkol do’n.

“Dahil kung tutuusin po, ito ang pinakamahirap na role na tinanggap ko sa GMA. 

“Kasi may part dito na kukuwestyunin ko ang pagkalalaki ko. Kasi ang buong akala ko kasi, nagkakagusto ako sa isang lalaki.

“So, parang pakiramdam ko ay may identity crisis ako dahil do’n. 

“E, hindi ko naman naranasan yung ganun. So question sa akin ‘yon. 

“Kaya maghahanap ako ng taong nakaranas nun.”



PEG FOR KRIS’S CHARACTER. Si Aljur daw ang sinasabing peg ni Kris sa pagpapakalalaki ng character nito. Si Aljur din daw ang tumutulong na mapulido ang kilos-lalaki ni Kris.

Sabi ng young actor, “Well, kayang-kaya naman talaga ni Kris. Meron siyang sarili niyang style.

“Pero ako, nandiyan ako lagi para sa kanya. 

“Kapag napupuna ko na medyo feminine yung kilos o upo niya, tinuturuan ko siya na, ‘Ganito dapat.’

“Magaling si Kris. Magaling. 

“Pati yung pananalita niya… actually, unti-unti niyang nakukuha yung character.”

Convincing ba talaga na lalaki si Kris sa pagganap nito bilang si Andie?

“Yeah!” sabay ngiti ni Aljur.

“Ako, personally, kapag nakakasama ko siya, napapaniwala ako na lalaki siya.”

Gamay na rin ba niya ang kanyang character?

    

Sabi ni Aljur, “Konti pa lang.