[x]

ABS-CBN sitcom Toda Max was named Best Comedy Program at last night's 34th Catholic Mass Media Awards. The main cast of the show—(L-R) Robin Padilla, Pokwang, Angel Locsin, and Vhong Navarro—came in full force to accept the award.

Photo: Noel Orsal

Naging maningning ang 34th Catholic Mass Media Awards (CMMA) na ginanap kagabi, September 25, dahil sa pagdalo ng mga celebrities mula sa ABS-CBN, TV5, at GMA-7.

Napuno ng manonood at mga bisita ang Star Theater sa CCP Complex, Pasay City, para sa taunang awards night.

Ang CMMA ay nagbibigay ng parangal para sa TV, radyo, at pelikula.

HALL OF FAMERS. Unang pinarangalan ang mga programa na naluklok sa Hall of Fame ng CMMA.

Si Mel Tiangco ang nag-representa sa 24 Oras (GMA-7) para sa Best News TV Program category; samantalang si ABS-CBN President Charo Santos-Concio naman ang representative ng Maalaala Mo Kaya (ABS-CBN) para sa Best TV Drama Program category.

Bahagi na rin ng Hall of Fame ang Dr. Love ng DZMM para sa kategoryang Best Radio Counseling Program.

KAPAMILYA RULES. Pinakamaraming awards na napanalunan ang ABS-CBN—siyam sa TV at siyam sa radyo.

Kaibilang sa mga napanalunan ng ABS-CBN sa TV category ay ang mga sumusunod: Best Drama Series - Budoy; Best Drama Series (Special Citation) - Dahil sa Pag-ibig; Best Comedy Program - Toda Max; Best News Magazine Program - Patrol ng Pilipino for "Monasteryo"; Best News Magazine Program (Special Citation) - Failon Ngayon; Best Children and Youth Program - Wansapanataym; Best Children's Program (Special Citation) - Matanglawin; Best News Program - TV Patrol Weekend; at
Best Station ID - Pinoy Summer Da Best Forever ft. Sarah Geronimo & Gerald Anderson.

Sa Radio category naman, nanalo ang DZMM ng mga sumusunod: Best Radio News Program - Patrol Balita Alas Dose; Best News Commentary - Failon Ngayon; Best Special Event Coverage - Teleradyo's "Baha sa Bulacan Coverage"; Best News Program - Radyo Patrol; Best Public Service Program - Radyo Negosyo; Best Counseling Program (Special Citation) - Usapang Kapatid; Best Entertainment Program (Special Citation) - Music and Memories; Best Entertainment Program (Special Citation) - Todo Todo Walang Preno; at Best Business Commentary - Sikap Pinoy.

BEST COMEDY PROGRAM. Full force ang main cast ng Toda Max na sina Robin Padilla, Vhong Navarro, Pokwang, at Angel Locsin nang tanggapin nila ang award para sa Best Comedy Program.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ibang media ang lead stars ng sitcom, sinabi ni Pokwang, "Masayang-masaya kami kasi sa kabila ng kami ay napapagod sa aming taping, nakakapagbigay kami ng saya. Super proud kami kasi magwa-one year pa lang kami, ang Toda Max, at may mga blessings agad."

Hirit naman ni Angel, "Nakakahiya pala pag hindi tayo nanalo kasi kumpletong-kumpleto tayo. Awa po ng Diyos..."

Dagdag naman ni Vhong, "Sabi nga po ni Idol [Robin], kaya pala ipinadala dito para may tagapalakpak pag nanalo ang ABS-CBN shows."