Nilinaw ng young singer na si Gerald Santos na wala siyang sama ng loob sa original home network niyang GMA-7. Paliwanag niya, “Siguro lahat naman po ng mga artist, naghahanap ng growth. So, nangyayari na po ngayon. Nararamdaman po namin na naggu-grow po ako as an artist. Hindi lang po as an artist but as a person, too.”

Photo: File

Noong September 28, Biyernes, ay inilunsad ang ikatlong album ni Gerald Santos—ang Gerald Santos: The Prince of Ballad—sa The Roxy, Tomas Morato, Quezon City.

Puro revival songs ang nakapaloob sa bago niyang album, tulad ng “Ikaw Lang,” Paminsan-Minsan,” “Hindi Magbabago,” “Maghintay Ka Lamang,” at “Ikaw Pa Rin Ang Mahal Ko.”

Bago ito, noong 2008 pa ang huling album na nailabas ni Gerald kaya masasabing matagal din bago ito nasundan.

Ipinaliwanag ni Gerald sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung bakit puro revival songs ang laman ng bago niyang album.

“Revival po, kasi yung first two albums ko po, all-original na po. Para maiba naman po.

“At kumbaga, nagte-test pa rin po kami ng iba’t ibang formula kung paano magkakaroon ng hit songs na revival album naman po.

“With this album, I hope magkaroon na ako ng identity na ako na talaga—at hit song. 

“Yun po talaga ang wino-work out namin, matagal na.”

OUT OF THE BOX. Ang unang dalawang albums ni Gerald ay mula sa GMA Records: A Day On The Rainbow at Pinakahihintay.

Itong pangatlong record niya ay ini-release naman ng independent label na PRINSTAR Music Philippines.

Ngayong independent label ang nag-produce ng album niya, at nasa TV5 na rin siya, masasabi ba niyang para siyang nakawala sa hawla?

Sinang-ayunan naman ito ni Gerald sa pagsasabing, “Masasabi ko pong ganun kasi, ngayon, talagang may freedom ako kung ano ang gusto kong gawin sa arrangement ng song. 

“Kung ano ang gusto kong gawin na bagay sa pagkakakanta ng awitin ko ngayon.

“Hindi po ako nakakulong ngayon. Yung artist na gusto ko, e, nae-express ko ngayon.