Ikinatutuwa ni Zsa Zsa Padilla ang nangyayaring bonding niya sa pamilya Quizon. Kuwento niya, “Texts, always constant yun... calls. Minsan tatawag si Vandolph, wala lang… mangungumusta. Si Eric madalas kong kausap, mga texts-texts... sila Junior, Sally. Gaya ng ginagawa naming ng mga girls ko—lunch, dinner... mga ganyan.”

Photo: Noel Orsal

Namahinga lang sandali si Zsa Zsa Padilla mula nang sumailalim siya sa kidney operation sa Los Angeles sa Amerika.

Nag-guest na siya sa morning show na Kris TV at nandoon din siya sa Dolphy Alay Tawa, na tribute sa yumaong partner niyang si Comedy King Dolphy.

Ngayon ay balik-trabaho na ang Divine Diva at nitong mga nakaraang linggo ay napapanood na siya sa ASAP 2012.

Masayang ibinalita ni Zsa Zsa sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na mas maayos na ang kalagayan niya ngayon at magsisimula na rin siyang mag-shoot para sa isang pelikula.

Kuwento niya, “Better naman na, nakakabakasyon na.

"I’ve started working last Sunday, medyo easy pa ang schedule ko.

“Pero I think weeks from now, I’ll start working already, yung Lola Basyang."

Ang Mga Kuwento Ni Lola Basyang ay entry ng Unitel Films sa 2012 Metro Manila Film Festival.



NEW ROUTINES. Nagkaroon na rin si Zsa Zsa ng health routine na paghahanda sa pagsabak niya muli sa trabaho. Naninibago ba siya sa bago niyang lifestyle?

“Hindi naman, and I really want to go back to work. Medyo bored na rin ako.

“I’m better—a lot better. A couple of days ago, pinost ko na nag-swimming na ako.

“Hindi naman todong workout, pinapakiramdaman mo pa rin ang sarili mo.”

Kung dati’y maingat na siya sa kanyang kalusugan, doble raw ang ingat niya ngayon.

“I sleep by eight [p.m.] or nine and wake by five a.m.—mga thundercats!" natatawang sabi ni Zsa Zsa, na ang ibig tukuyin ay ang sleeping habit ng mga matatanda.

“Lahat naman ng mga nasa Twitter ko na ka-age ko or thereabouts, gising na kami, ‘Ano ba ang nangyayari?’” tanungan daw nila.

“Kanina, six a.m., hindi pa nag-a-alarm ang relo, gising ka na kasi walang nightlife, walang ano… healthy living talaga."