Per project man ang kontrata ni Fabio Ide sa GMA-7, pinagbubuti naman niya nang husto ang kanyang performances. Sabi niya: “Pero I need to prove to them na magaling ako talagang umarte sa comedy, sa drama, hindi puwede na, ‘Ah, guwapo siya—kontrata!’ It’s not like that, di ba? So, I have to prove to them.”

Photo: Noel Orsal

Brazilian ang gagampanan ng Brazilian-Japanese model turned actor na si Fabio Ide sa Coffee Prince ng GMA-7.

Biniro ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Fabio na “mahirap” ang papel niya bilang Leo na isang Brazilian din tulad niya sa upcoming show ng GMA-7.

Tumawa muna si Fabio bago nagkuwento.

“Hindi pa nag-start yung shoot ko, kasi papasok ako sa show sa second week.

“Ako yung foreigner na pumunta ako dito para mag-aral ng English.

“So, mas madali lang kasi puwede may accent. I’m the foreigner, so, I cannot just talk in English.

“Minsan may English, minsan may Taglish, minsan may Tagalog.

“So, sa una, medyo mahirap ang buhay ko, kasi magbebenta ako ng mga Brazilian sweets—brigadeiro.

Ang brigadeiro ay isang sikat na chocolate bonbon sa Brazil na kahawig ng itsura ng chocolate truffles.

“So, ibebenta ko yung mga sweets sa kalye, 'tapos in-invite ako magtrabaho sa coffee shop. So, the story goes from there," pagpapatuloy ni Fabio sa panayam nito sa PEP nung October 3, Miyerkules, sa presscon ng Coffee Prince sa Studio 7 ng GMA TV Complex.


PARENTS ON VACATION. Kuwento pa ni Fabio, nasa Pilipinas ngayon ang kanyang mga magulang mula sa Brazil para magbakasyon.

Dinala na raw niya ang ama na si Luis Ide at ina na si Anna Maria Ide sa Boracay para sa tatlong linggong bakasyon.

Sagot niya ba ang lahat ng gastos sa bakasyon na ito ng kanyang mga magulang?

“Hindi. Yung trip from Brazil to Manila, sila, pero I paid their ticket to go to Singapore, Hong Kong, and Boracay, ako ang bahala.”