Aminado si Steven Silva na may nararamdaman siyang kaba sa pagbasok ng bagong batch ng artista mula sa reality show ng GMA-7 na Protégé. Saad niya, "Sa totoo, medyo, siyempre medyo nagwo-worry kami doon. Kasi may papasok na ibang mga artista na bago, baka doon mapunta yung attention ng GMA. Pero I think I’m still in the plans of GMA. Siyempre, di ba, ngayon naman nandito ako sa Coffee Prince so I don’t think na I’ve been forgotten by GMA."

 

“They’re still taking care of me, so masaya naman ako.”

Photo: Noel Orsal

Close ba si Diva sa parents ni Steven?

“Oo, every time, pag andito sina Mommy and Daddy, nagkikita naman sila.”



COFFEE PRINCE. Sa Coffe Prince ba ay may kapareha si Steven?

“Sa tingin ko, wala. Kasi actually ang role ko dito, ako si Bamboo.

“Actually, wala siya sa original so, sa ngayon, hindi ko pa alam kung may partner ako o wala.

“Kasi si Bamboo, wala siya sa original, yung Korean original drama.

“So, ang role ko dun, ako yung best friend ni Benjamin [Alves as Errol], may-ari kami ng recording studio.”

Mabait ang role niya?

“Hindi ko pa alam, pero sakto lang. Hindi naman ako kontrabida or anything. Basta magkaibigan kami ni Benjamin.

“Parang sa tingin ko, ano ako… parang comedy relief as the best friend nga ni Benjamin.”

Sa dating afternoon soap ng GMA-7 na Koreana, isa si Steven sa mga leading men ni Kris Bernal, kasama ni Rocco Nacino.

Dito sa Coffee Prince ay si Aljur Abrenica ang katambal ni Kris.

Okay lang ba kay Steven na support lang siya sa Coffee Prince?

“Siyempre, sa akin naman, gusto ko na maging leading man ulit.

“Pero I mean, masaya din ako na may show, di ba? Mas okay na may show ka na hindi ka leading man kesa sa wala, di ba?

“So, I’m happy right now na may show ako, siyempre excited din ako sa Coffee Prince.