PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

ELECTION WATCH. Vilma Santos files candidacy for third and last term as Batangas governor

Christopher de Leon, Vilma's favorite leading man, will run for Congress.
by Arniel C. Serato
Published Oct 5, 2012
Nag-file na rin ng kanyang kandidatura si Batangas Governor Vilma Santos para sa kanyang re-election bid sa 2013 elections. Sinamahan siya ng kanyang mister na si Senator Ralph Recto.

Mga bandang lunchtime ngayong araw, October 5, ay nag-file na si Governor Vilma Santos ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) sa Comelec office sa Provincial Capitol ng Batangas.

Muling tatakbo sa pagka-gobernador si Vilma sa ilalim ng Liberal Party.

Ayon sa ulat ng Balitanghali ng GMA NewsTV kanina, sinamahan ang actress-politician ng mister niyang si Senator Ralph Recto nang mag-file ng kanyang COC.

Kasama rin nilang nag-file ng COC ang incumbent vice governor ng Batangas at running-mate ng Star For All Seasons na si Mark Leviste.

Dagdag pa sa ulat, may dalawang makakalaban si Vilma sa pagka-gobernador sa susunod na hahalan: sina Marcos Mandanas Sr. at Arturo Atienza.

Unopposed naman si Vice Governor Leviste hanggang kaninang tanghali dahil wala pang nag-file ng COC sa pagka-bise gobernador maliban sa kanya.

Hanggang alas-singko ngayong hapon ang nakatakdang oras ng pagpa-file ng mga tatakbo sa 2013 mid-term elections.

Bago nag-file ng kanyang COC si Governor Vi ay dumalo muna siya sa isang misa at pinasalamatan niya ang mga Batangueños na patuloy na sumusuporta sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Governor Vi sa panayam sa kanya ng TV Patrol, "Ang last term, dun mo makukuha ang report card, dun mo makukuha kung ikaw ba ay pumasa—yun na yung pinaka-diploma mo."

Nag-file din kanina ng kanyang COC ang beteranong aktor na si Christopher de Leon bilang kongresista sa second district ng Batangas.

Sa kasalukuyan ay board member ng Batangas si Boyet, na paboritong leading man ni Vilma.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nag-file na rin ng kanyang kandidatura si Batangas Governor Vilma Santos para sa kanyang re-election bid sa 2013 elections. Sinamahan siya ng kanyang mister na si Senator Ralph Recto.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results