Dumating daw ang panahon na naging mapili at nag-iinarte si Boy2 Quizon sa mga nao-offer sa kanyang roles. Hindi na raw ngayon. Ayon pa kay Boy2: “Simula nung naano yung lolo ko, sinabi ko sa sarili ko I’ll never underestimate ang pagiging artista. I will make sure na kahit ano’ng ibigay sa akin, gagawin ko.”

Photo: Noel B. Orsal

Sa Coffee Prince ng GMA-7, bilang si Ervin ay isang gay role ang napunta kay Boy2 Quizon.

“Actually, natutuwa ako. Actually, una ko ito. Kasi ginagawa ko ‘to [gay roles] sa Bubble Gang, e. Sa Bubble Gang normal ito, e. Every week,” simula ni Boy2 sa panayam nito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media sa presscon ng Coffee Prince na ginanap sa Studio 7 ng GMA TV Complex nung Miyerkules, October 3.

“Pero sa soap, natuwa ako. Kasi umabot sa point na, ewan ko, ha... Simula nung naano yung lolo ko, sinabi ko sa sarili ko I’ll never underestimate ang pagiging artista.

“I will make sure na kahit ano’ng ibigay sa akin, gagawin ko.

“Actually, it was a concept of Direk Ricky Davao. Hindi talaga ako yung gay, e. So, kinonsider nila, dalawang characters.

“I was supposed to play one of the ano, na loveteam-loveteam, mga straight which, ok din.

“Pero typical me yun, e. Na maloko, ganyan...pero Direk Ricky wants me to do this.

“So, sabi ko sa kanya, ‘Alam mo, kahit ano, gagawin ko yan.’

“’Tapos ang tagal bago nila pinag-isipan... ‘Bakit si Boy2? E, parang walang maniniwalang babading-bading yan, di ba?’

“Normally, pag ako, yung comfort zone ko as me, kulot, that’s the reason why I had to cut my hair. Not for this project, but para lang hindi rin lang malimitahan yung characters na binibigay sa akin.”

ON PLAYING GAY ROLES. Peg ba niya sa kanyang gay role ang lolo niyang Comedy King na si Dolphy?

“Hindi naman,” sagot ni Boy2. “Wala lang.

“Alam mo yung sa Glee, yung bading dun? Isa yun.”

Ang openly gay Hollywood actor na si Chris Colfer ang tinutukoy ni Boy2. Ginagampanan ni Chris ang papel na Kurt Hummel na isa ring gay sa Glee.