Sa unang pagkakataon ay magkakaroon na ng primetime series ang bagong Kapuso na si Max Collins. Kasama ang young actress sa bagong GMA-7 primetime series na Coffee Prince kunsaan second lead sila ni Benjamin Alves at main lead naman sina Kris Bernal at Aljur Abrenica.

Photo: Noel Orsal

Pagkatapos mapanood sa afternoon soap na The Good Daughter, isang primetime series na ang kasunod na proyekto ni Max Collins sa Kapuso network.

Kasama si Max sa Coffee Prince kunsaan second lead sila ni Benjamin Alves, at main lead naman ang balik-tambalang sina Aljur Abrenica at Kris Bernal.

Kahit tatlong buwan nabakante si Max pagkatapos ng The Good Daughter ay hindi raw ito naging problema sa bagong Kapuso.

“Siguro nga po mga three months din po since The Good Daughter, but I’m so happy,” nakangiting pahayag niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng Coffee Prince noong October 3 sa GMA Network.

Kuwento pa ni Max tungkol sa kanyang role, “I play the role of Arlene.

"Ako ang kababata ni Arthur, ang karakter ni Aljur. Tapos, naging boyfriend ko si Errol, si Benjamin. 

“Noong bumalik ako, parang binalikan ko siya [Errol]. Bumalik ako sa Pilipinas para makipagbalikan.”

Isa raw sorpresa kay Max ang pagkakasama niya sa Coffee Prince.

“Hindi ko siya ine-expect," sambit niya.

"Sobrang thankful ako kasi first primetime ko ever.  

“Even sa ABS-CBN po, hindi pa ako nakapag-primetime. 

“Masaya ako kasi ang maganda pa, maganda ang story, light siya, romantic-comedy and, finally, nagka-loveteam na ‘ko.

“Hindi na ‘ko epal [kontrabida] sa mga loveteam,” nakangiting biro niya.



BENJAMIN ALVES. Napag-uusapan na rin lang ang loveteam, naitanong ng PEP kay Max ang kapareha niya sa Coffee Prince na si Benjamin.

Sa hiwalay na panayam kasi namin kay Benjamin ay obvious na attracted ito kay Max. (CLICK HERE to read related story.)

Pero mukhang ang pagkakaintindi ni Max sa tanong namin sa kanya ay kung attracted ba siya sa kanyang leading man.