Isabel Granada on being a mistress in Angelina del Cielo: "Maganda yung story, at ito yung kauna-unahang morning soap ng GMA, kaya lahat kami ay excited. Hindi lang ako basta mistress dito—masama ako—at hindi ko alam ang feeling ng isang kerida, pero sige, hinihingi kasi ng role. Sobrang challenging ito para sa akin. Sana magampanan ko nang tama.”

Photo: Noel Orsal

Pagkatapos ng Daldalita, isang bagong soap na naman ang pagkakaabalahan ng singer-actress na si Isabel Granada sa Kapuso network.

Ito ay ang morning soap na Angelina del Cielo, na pagbibidahan nina Bea Binene at Jake Vargas.



ANGELINA DEL CIELO. Excited si Isabel sa bagong show niyang ito dahil for the first time ay gaganap siyang mistress o kabit.

Ngayon pa lang ay sinasabi na ni Isabel na ito ang pinaka-challenging na role na gagampanan niya sa buong karera niya sa showbiz.

"Naranasan ko nang maging kontrabida sa ilang teleseryeng nagawa ko, pero iba ang pakiramdam ko sa bagong gagawin kong ito kasi kontrabida na 'ko, mistress pa.

"Yes, for the first time gaganap akong mistress,'' saad niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa isang event noong October 3 sa SM North Edsa.

Patuloy niya, "Maganda yung story, at ito yung kauna-unahang morning soap ng GMA, kaya lahat kami ay excited.

"Hindi lang ako basta mistress dito—masama ako—at hindi ko alam ang feeling ng isang kerida, pero sige, hinihingi kasi ng role.

"Sobrang challenging ito para sa akin. Sana magampanan ko nang tama.

"Ang ginagawa ko ngayon ay nagre-research ako ng mga movies na may kinalaman sa pagiging kabit kaya nagkakaroon na 'ko ng idea at napag-aaralan ko na kung ano ang buhay ng mga tulad nila."



THE MISTRESS. Usapang kabit na rin, ano ang masasabi niya sa mga babaeng pumapatol sa mga may asawa na?

"Wow, perfect. Perfect question from you.

"Ang masasabi ko lang, yung mga ladies out there o yung mga guys din, piliin n’yo na lang yung mga.... yung hindi naman walang sabit, e.

"Piliin n’yo na lang yung hindi makakasira ng isang buong pamilya. Buo na, e. Kumbaga, huwag n’yo nang panghimasukin pa.

"And even if, in the other way around, kunwari yung talagang may pamilya na gusto namang mambabae o manlalaki, kayo namang mga babae at lalaki na alam n’yo namang may asawa na yung taong yun, sana kayo na ang umiwas.

"Kasi it will create a bad karma sa life n'yo kasi.

"And it will not come to you soon, pero eventually, mararamdaman mo ang karma sa buhay mo at talaga namang ta-tumbling ka pagdating niya."



THE HUSBAND. May mga bulung-bulungan na madalas daw ay nagkakaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng asawa niyang si Geryk Genasky.