news

Mga Kuwento Ni Lola Basyang pulls out from 2012 Metro Manila Film Festival

by Jocelyn Dimaculangan posted on October 17, 2012  STATS: 15707 Views | 13 Comments

Sina Alex Gonzaga at Edgar Allan Guzman sana ang mga bida sa twinbill movie na Mga Kuwento Ni Lola Basyang. Ngunit nagdesisyon ang mga producers na i-pullout ang pelikula mula sa 38th Metro Manila Film Festival.

Photo By: Noel Orsal / Nimfa Chua

Nakakuha ng impormasyon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hindi na matutuloy ang Mga Kuwento Ni Lola Basyang bilang isa sa entries sa 2012 Metro Manila Film Festival.

Produced by Unitel Pictures at Studio5 (ang movie arm ng TV5), ang twinbill movie na ito ay isang family adventure comedy.

Ito ay may dalawang episodes sana: “Mariang Alimango” at “Pedrong Walang Takot.”

Ang bida sana ng “Mariang Alimango” ay si Alex Gonzaga sa ilalim ng direksiyon ni Chris Martinez. Ang ibang co-stars ay sina Zsa Zsa Padilla, Sam Concepcion, at Nadine Samonte.

Samantala, ang bida ng “Pedrong Walang Takot” ay si Edgar Allan Guzman at ang director ng episode na ito ay si Jerrold Tarog. Kasama rin dapat sa segment na ito sina Empress Schuck, Gelli de Belen, Mylene Dizon, Ian Veneracion, at Pen Medina.

Sa isang phone interview na naganap ngayong hapon, October 17, inamin ni Chris Martinez sa PEP na “nanghihinayang” siya dahil sa balita na ito.

Aniya, “Definitely, it’s not pushing through due to the decision of the producers. It’s better na sila ang magpaliwanag sa inyo kung bakit.

“Basta, ako nanghihinayang.”

Ayon sa direktor ng mga pelikula na 100, Here Comes the Bride, at I Do Bidoo Bidoo, hindi pa sila nagsimula ng shooting bagamat nakapag-story conference na sila para sa “Mariang Alimango.”

Ang script ay isinulat ng Palanca Hall of Famer na si Dr. Eugene Evasco.

Bagamat hindi matutuloy ang Mga Kuwento ni Lola Basyang bilang MMFF entry, may magandang plano naman daw ang producers para sa naturang proyekto.

Kuwento ni Direk Chris, “Parang balak nila ituloy next year but not for MMFF. Sabi nila, puwede individual films na lang. Parang separate movies na lang.” 

Ang iba pang entries ng 38th edition ng MMFF ay ang sumusunod: Sosy Problems (GMA Films), El Presidente (Scenema Concept Int’l Inc.), One More Try (Star Cinema), Sisteraka (Star Cinema/Viva Films), Shake Rattle & Roll 14 (Regal Entertainment), Si Agimat Si Enteng Kabisote and Me (OctoArts Films/M-Zet Productions/Imus Productions/APT Entertainment/GMA Films); at The Strangers (Quantum Films).

(CLICK HERE to read related article.)

Nang tanungin naman ng PEP si Guia Gonzales ng Unitel tungkol sa balita na ito, inamin niya na nagpadala na sila ng letter upang i-pullout ang Mga Kuwento Ni Lola Basyang mula sa MMFF.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

13 Comments

  • 13  cinelamour

    10/18/2012 | 10:49 PM
    at ang mga kapams dito, kung ano-anong kabobohang ispekulasyon ang kinakalat. si tony gloria pala ang nasa likod ng produksyon na ito. e hindi naman yan nagbibigay ng half-baked na pelikula.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  cinelamour

    10/18/2012 | 10:19 PM
    nyak! so nabawasan na yung dapat panuorin sa mmff. LOL
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  manangdi

    10/18/2012 | 09:33 PM
    That's a subtle result of monopoly in movie making! Kasalanan din yan ng mga moveigoers kasi hindi sila tumitingin sa klase ng pelikula kung hindi kung sino ang mga bida at sino ang producers. You, people will never get the chance to really get to see a great movie because of some people's mentality!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  Santosd27

    10/18/2012 | 03:42 PM
    Avidreader: Hindi naman question ang pagiging sikat ng mga bida! May mga sikat na sikat na artista na flop ang mga movies!! Wag ka nga depende yun sa kwento at sa pilipino. Yung mga sikat ngayon nagsimula yan ng wala masyadong pangalan at sinugalan kaya eag ka magquestion dyan! Gamitin mo nga utak mo. Minsan mga tao dito makalait lang e!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    cinelamour
    10/18/2012 | 10:21 PM
    tama! buti ka pa santosd27 may sense! pero ano magagawa sa utak artista? nanunuod lang naman sila dahil sa artistang idolet, pangit man o maganda ang pelikula. LOL
  • avidreader53

    10/18/2012 | 04:36 AM
    Sus, bakit naman kasi ang mga artistang never heard natulad nitong dalawa ang mga bida. Siympre mangamote ito sa MMFF. Gamitin naman ng mga producers ang common sense nila. Sino ba ang manood nito kung ang mga starlets of all starlets ang mga bida?
    Reply |  7 Replies
    0   0   0  
    dins71
    10/18/2012 | 06:17 AM
    You mean, dapat mga pelikula lang na mga big stars ang bida ang pwedeng sumali? Sa klase ng pag-iisip mo eh hindi kataka-taka na puro basura ang pinapalabas pag MMFF. Kunsabagay, hindi naman festival yan kundi peste-bal!
    glen
    10/18/2012 | 11:14 AM
    sabagay may point ka. kung yun ngang sikat daw na si Marian Rivera nangamote ang super inday, sila pa kaya. hahaha!
    blackscarecrow
    10/18/2012 | 11:47 AM
    24/7 na laman ng pag-iisip niya si MR....Sabagay baka pumutok utak niya pag di niya nailabas ang saloobin niya...
    botyokbotyok
    10/18/2012 | 01:17 PM
    Black, katulad ng mga kapus o na 24/7 na laman ng pag iisip utang ng abs.hihihi
    pinaskongmahal
    10/18/2012 | 02:53 PM
    hanggang dito ba naman eh si Marian parin ang comments ng mga nitter na bashers .hindi kse nila matanggap na kahit ano pang paninira at pagbabagsak nila kay Marian eh hindi nila magawa.kawawa naman,
    pinaskongmahal
    10/18/2012 | 02:54 PM
    sorry sa typo-bitter not nitter
    camagong
    10/18/2012 | 10:12 PM
    sobra ka naman bigyan nman ng chance ang mga baguhan may pusong tao ka ba
  • misstoe

    10/18/2012 | 02:26 AM
    Sus bakit naman kasi MMFF eh iyang dalawang iyan ang kinuhang bida...dapat yung may name ang topbill at supporting lang sila...may fans ba ang mga iyan??? Ha..ha..ha..
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    Space_Ace
    10/18/2012 | 07:39 PM
    hindi ba kasama ang pinakamalupet na leading ng tv5 na si Empoy? di nga papatok yan. LOL
    camagong
    10/18/2012 | 10:13 PM
    makalait ka naman..para kang hindi tao lahat ng bagay o pangarap man nagsisimula sa wala
  • alexis2222

    10/17/2012 | 11:18 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    coolitz4coolitz
    10/18/2012 | 12:18 AM
    ano raw?... parang eng eng, haayyzz...
    iambrainfulgay
    10/18/2012 | 04:13 AM
    biglang lumuwag turnilyo ni inday alexis hahaha pag pacnxahan niyo na nakalimutan niya lang uminom ng gamot XD
    glen
    10/18/2012 | 11:12 AM
    asa ka pa ge em e pelms. face palm. hahaha!
  • exclusibo

    10/17/2012 | 09:43 PM
    Hmm di ba kasama si Iza Calzado dito? I am identifying her by her complete name at hindi na nakikita si Iza.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    glen
    10/18/2012 | 11:11 AM
    paopera mo na kasi katarata mo hahaha! sosyall sa abs kaya ayaw mo manood dun nakakapagtaka ba?
  • redprince

    10/17/2012 | 09:06 PM
    Alam nila na laos na naman sila. Pati sa movies at mapaTV.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • EaTBuLagaRuLez

    10/17/2012 | 08:21 PM
    ikaw ba naman lumaban sa monopoly ng starcinema at vic sotto tigok ka talaga.good decision to pullout the movie. pati sa mmff 7 vs. 2 pa din.
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    misstoe
    10/18/2012 | 02:28 AM
    Tama...alam naman ng lahat na Kris Aquino, Vic Sotto at Bong Revilla lagi nananalo eh bakit magsasayang pa ng pera...save nalang nila for a non-MMFF showing para hindi kawawa..
    botyokbotyok
    10/18/2012 | 01:21 PM
    Bulaga, monopoly kamo? ito ay dahil ang gma once in a blue moon lang mag produce ng movie. Walang 7 vs 2 sa mmff, kundi 2 vs Vic Sotto. hihihi
  • lifehouse232

    10/17/2012 | 07:18 PM
    Sayang naman!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kritikongpinoy

    10/17/2012 | 06:36 PM
    pwedeng ipalit ang Thy Womb ni Brillante Mendoza - Nora Aunor o di kaya ay ang Death March ni Adolf Alix, Jr. - Jacky Woo. at least yung Thy Womb ay tapos na ang filming at may napatunayan na internationally at yung Death March naman ay on-going ang production.
    Reply |  5 Replies
    0   0   0  
    aaronick
    10/17/2012 | 08:33 PM
    Imposible po yung gusto mo. Dahil hindi naman ito na-submit as an entry. Kung may papalit man, yan eh yugn sumunod sa ranking ng mga napiling pelikula.
    gobernadora
    10/17/2012 | 09:12 PM
    na submit po ung thywomb ni nora, sana nga ireconsider.
    thirstytrooper
    10/18/2012 | 02:30 PM
    naku wag na isali ang thy womb. pang international level ang thy womb at hindi pang basura pestebal. isa lang ang magandang kasali diyan, yung el presidente na nirerekomend ng DEP ED.
    camagong
    10/18/2012 | 10:15 PM
    wag na basura movie nasa pestebal na yan
    cinelamour
    10/18/2012 | 10:28 PM
    aaronick. both films, thy womb and death march, were submitted. at wag na. both films' aesthetics are not commercial. lalaitin lang yan ng astute taste ng mga star cinema zombies. ang death march ay mukhang mala-guy maddin ang istilo which i find really interesting. i saw some of the stills. it looks great.
  • kagandahantalaga

    10/17/2012 | 06:29 PM
    gusto ko ito.. naalala ko noong bata ako, nanonood ako nito..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About