Itinanghal sina Jeric Gonzales at Thea Tolentino bilang male and female winners ng Protege: The Battle For The Big Artista Break sa finale nito na ginanap ngayong gabi, October 21, sa GMA Network.

Photo: Noel Orsal

Sina Jeric Gonzales at Thea Tolentino ang itinanghal na winners sa Protégé: The Battle For The Big Artista Break.

Sila ang nakakuha ng pinakamataas na pinagsamang boto ng viewers at ng judges na sina Joey de Leon, Bert de Leon, Annette Gozon-Abrogar, at Cherie Gil.

Ginanap ang results night ng second season ng Protégé sa Studio 7 ng GMA Network ngayong gabi, October 21.

Sina Jeric at Thea ay parehong mula sa Calamba City, Laguna.

Kapwa sila nag-audition sa Southern Luzon leg ng Protégé kung saan ang actress-director na si Gina Alajar ang naging mentor nila.

Pero dahil sa isang twist sa competition ay kinailangang bitawan ni Gina si Jeric kaya napunta ito sa bago nitong mentor na si Jolina Magdangal.

Tinalo ni Jeric ang kapwa niya finalists na sina Mikoy Morales at Ruru Madrid; samantalang si Thea naman ay tinalo sina Zandra Summer at Elle Ramirez.

Si Jeric din ang hinirang na Texters’ Choice.

Bilang winners ng Protégé, sina Jeric at Thea ay parehong makakatanggap ng P1 million pesos, 2-bedroom condo unit, at five-year exclusive management contract mula sa GMA Artist Center.

Makakasama rin sina Jeric at Thea sa bubuksang youth-oriented show ng GMA-7, ang T.G.I.S.

Bilang mentors ng mga nanalo, sina Gina at Jolina naman ay makakatanggap ng P500,000 each.


THE FINAL CHALLENGE. Sa huling bahagi ng kanilang challenge ay isinalang ang Top 6 sa aktuwal na taping ng mga teleserye ng GMA-7 kunsaan naka-eksena nila ang mga Kapuso stars.

Si Jeric ay isnama sa primetime series na Coffee Prince kunsaan nakaeksena niya si Kris Bernal. Gumanap siya bilang Errol na orihinal na ginagampanan ni Benjamin Alves.

Si Thea naman ay nakaeksena si Heart Evangelista para sa isang eksena sa Luna Blanca. Gumanap siya bilang Luna na ginagampanan talaga ni Bianca King.

Si Zandra ay gumanap bilang si Bela Padilla sa Magdalena kunsaan nakaeksena niya si Ryan Eigenmann.