Ginagampanan ni Dennis Trillo ang papel na Marcel sa primetime series ng GMA-7 na Temptation of Wife. Sabi ng aktor tungkol sa kanyang role: "Hindi siya yung typical na leading man. Maloko kasi ang character ni Marcel—mayaman siya, babaero, nagtaksil siya sa asawa niya. Pero yung character niya, kahit pilyo, babaero, pero yung character niya, hindi mo alam kung komedyante ba siya. So, kahit na may kalokohan siya, napapatawad siya dahil sa pagiging ganoon niya.”

Photo: Noel Orsal

“So, kahit na may kalokohan siya, napapatawad siya dahil sa pagiging ganoon niya.”

Ayon kay Dennis, mahirap ang karakter na ginagampanan niya bilang si Marcel. Nag-research pa nga raw siya para rito.

“Kinailangan kong panoorin ang DVD para ma-master ko ang pagiging babaero. Hindi siya biro,” seryosong sabi niya.

Pero natawa si Dennis nang tanungin namin kung mahirap ba ang maging babaero.

“Kailangan kong mag-research talaga. Magtanung-tanong ako sa mga kaibigan kong babaero,” nangingiting sabi niya.

“Alam ko, cliché na ito, pero maganda, maganda ang kuwento niya talaga kasi buo na siya.”

Paano niya iibahin ang pag-atake sa role sa orihinal na gumanap bilang Marcel?

“Well, hindi ko siguro iibahin masyado para hindi masyadong ma-disappoint ang mga viewers niya.  

“Kasi dito, tinanong ako ni Direk Dom [Dominic Zapata] kung gusto ko bang gayahin yun o kung gusto ko ng straight drama.

“Sabi ko, ‘Direk, baka ma-disappoint yung mga totoong fans ng show. Yung mga sumubaybay.’

“So, sabi ko, ayokong ilayo yung acting ko sa ginawa niya. 

"So, basically, hindi ko masyadong iibahin, konti lang.”

REALIZATION. Binalikan namin ang sinabi ni Dennis na “mahirap palang maging babaero.”

Kailan niya na-realize ito?