Hindi na si Kylie Padilla ang magiging leading lady ni Dingdong Dantes sa upcoming primetime series ng GMA-7 na Pahiram Ng Sandali. Ito ay matapos mag-backout ng young actress mula sa proyekto dahil "far too adult" daw para sa 19-year-old actress ang role na naitoka rito.

Photo: Noel Orsal

Hindi na matutuloy si Kylie Padilla sa upcoming primetime series ng GMA-7 na Pahiram Ng Sandali.

Nagpadala ng statement ang kanyang manager na si Betchay Vidanes sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa pamamagitan ng BlackBerry Messaging, ngayong gabi, November 9.

Dito ay pinaliwanag ng management team ng young actress kung bakit nagdesisyon silang tanggihan ang proyekto.

Ayon sa Vidanes Management, "far too adult" para sa 19-year-old na si Kylie ang role na gagampanan nito sa teleserye.

Magkakaroon din daw ng "conflict" sa "Muslim faith" ni Kylie ang mga maseselang eksenang kailangang gawin ng anak ni Robin Padilla.

Ang Pahiram Ng Sandali ang ipinalit ng pamunuan ng GMA-7 sa hindi natuloy na proyekto ni Kylie katambal din dapat si Dingdong Dantes—ang Haram.

Tatalakayin sana ng Haram ang pag-iibigan sa pagitan ng Kristiyanong sundalo at ng babaeng Muslim.

Pero dahil sa pagtutol ng ilang sektor ay nagdesisyon ang Kapuso network na huwag munang ituloy ang proyekto.

Pinalitan ng GMA-7 ang Haram ng panibagong istorya ngunit parehong cast pa rin—sa pangunguna nina Kylie, Dingdong, Lorna Tolentino, at Christopher de Leon.

Ito nga ang Pahiram Ng Sandali.

Gaganap sana ritong mag-ina sina Lorna at Kylie, na parehong magkakaroon ng relasyon kay Dingdong.

THE FULL STATEMENT. Narito ang kabuuang pahayag ng Vidanes Management kaugnay ng pagba-backout ni Kylie sa Pahiram Ng Sandali:

"We wish to thank GMA Network for the big break & the challenging lead role offered to Kylie.

“It is a rare chance to work with Mr. Dingdong Dantes, who is a Best Actor awardee, as leading man; & Ms Lorna Tolentino, a Grand Slam Best Actress, as co-star, and multi-awarded actor Mr. Christopher De Leon, as co-star, and the renowned Direk Maryo Delos Reyes, as director.