"I don't know why some people are so sick in the head that they like making up stories to start fights between other people. Sad for them. But I pity them more because walang silbi ang mga buhay nila," Sharon Cuneta posted on her Twitter account last night, November 14, after believing a parody posted in a blog.

Photo: Noel Orsal

Tila baguhan pa talaga si Sharon Cuneta pagdating sa social media at blogs.

Kahapon, November 14, inakala ng Megastar na totoo ang isang "parody interview" na lumabas sa isang blog.

Isang fan umano ang nagparating sa singer-actress-TV host tungkol sa "fake interview" na inilabas ng blogger na si Professional Heckler noong Biyernes, November 9.

Sa nasabing blog entry, tinanong ni Professional Heckler si "Krissy," isang fake character na layuning gayahin ang TV host-actress na si Kris Aquino, tungkol sa madalas na pagiging galit ni Sharon sa Twitter.

Ang sagot ni "Krissy": "I don't follow her. Ayokong ma-stress aha-ha-ha But I follow KC."

Bilang sagot sa fans, sinabi naman ni Sharon sa kanyang Twitter account: "Yaan na natin. Di ko rin naman sya fina-follow ever. Sasakit ang ulo ko."

Samantala, nilinaw ni Kris sa kanyang personal Twitter account na hindi totoo ang interview.

"I don't understand y u want to create animosity? It was the parody "krissy" who commented about @sharon_cuneta12," ani Kris.

Kasunod nito ay pribado nang nag-usap sina Kris at Sharon para linawin ang lahat.

Matapos nito ay inilagay ni Kris sa Twitter, "We had nice text exchange. She'll always have my respect&admiration.And I now follow her"



LESSON LEARNED. Halos ganito rin ang ibinalita ni Sharon sa kanyang Twitter followers:

"Tweeties, I've just received a text message from Kris Aquino. apparently, some people are trying to create something really bad between us,

"and now I know it wasn't really Kris who sent that tweet about her not following me here on Twitter cos daw 'ayaw nya ma-stress.'"

Nabanggit din ni Sharon na may natutunan siya dahil sa insidenteng ito.

Aniya, "This has taught me another important lesson: We should really be careful who we believe here on Twitter.

"There are lots of people pretending to be us artistas, & we should make sure that we know who's talking before we react, especially if what we read hurts us.