Sa galing daw ng kanyang mga kalaban, hindi makapaniwala si Arjo Atayde na mahirang na Best New Male TV Personality sa 26th PMPC Star Awards for TV. Sabi niya, “Mas sikat naman yung mga kalaban ko... I don’t expect anything. At basta yung sa akin lang, nagawa ko yung best ko as an actor.”

Photo: Allan Sancon

Nauna pang sumigaw ang ina ni Arjo Atayde na si Sylvia Sanchez nang manalo ang young actor bilang Best New Male TV Personality sa katatapos lang na 26th PMPC Star Awards for TV.

Nanalo si Arjo para sa pagganap niya sa "Bangka" episode ng Maalaala Mo Kaya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Arjo sa labas ng Henry Irwin Theater ng Ateneo De Manila University pagkatapos ng awarding ceremonies kagabi, November 18.

Sabi ni Arjo tungkol sa kanyang pagkapanalo, “Hindi ko talaga ini-expect.

“Nung tinatawag na yung nominees, hindi ako kinabahan at all, kasi blangko lang, okay lang.

“I felt that it was Khalil [Ramos] or Slater Young yung mananalo kasi sila yung patok sa masa.

“Pero nung tinawag ako, dun ako kinabahan kasi, ‘A… okay, ako pala nanalo!’”



NOMINEES. Ang mga nakalaban ni Arjo ay sina Harvey Bautista (Goin’ Bulilit), Khalil Ramos (Princess And I), Kiko Estrada (Tween Hearts)...

Michael Pangilinan (Walang Tulugan With The Master Showman), Richard Yap (My Binondo Girl), at Slater Young (Wansapantaym, “Magic Shoes” episode).

Sabi pa ni Arjo, “Nung lumabas yung nominations, wala kasi…

"To be honest… I’m being frank naman na hindi naman ako magiging plastic, pero mas sikat naman yung mga kalaban ko.

“To be honest, mas kilala sila as of now. 

“Kaya for me, yung feeling lang na… wala, e. I don’t expect anything.

"At basta yung sa akin lang, nagawa ko yung best ko as an actor.”



TO THE LIMITS. Wala rin daw siyang hinandang speech.

Aniya, “Wala akong hinanda.

"I just said thank you na lang po to the people who really pushed me to the limits talaga.