Mapapasabak si Max Collins sa mga beteranong aktor at direktor sa bago niyang teleserye na Pahiram Ng Sandali. Sa pakikipagsabayan niya sa mga ito, sabi ni Max, “Not only sila ang mga idol ko, not only marami rin akong matututunan sa kanila, but it’s a once in a lifetime talaga ito—dream ko ito.”

Photo: Noel Orsal

Huling episode na ng Coffee Prince bukas, November 23, at sa Lunes, November 26, naman magsisimula ang papalit ditong programa—ang Pahiram Ng Sandali.

Parehong nasa cast ng dalawang programa si Max Collins kaya patuloy siyang mapapanood sa primetime programming ng GMA-7.

Yun nga lang, halata sa mga mata ni Max na halos wala siyang tulog nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa huling taping ng Coffee Prince noong Lunes, November 19.

Pero hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang mga labi dahil sa magandang nangyayari sa career niya.

Pumunta raw si Max sa last taping day ng Coffee Prince para lamang sa isang eksena.

Sabi niya, “Kung hindi ako makaabot ngayon, parang biglang mawawala na lang ako. 

“Pero ano naman, ano’ng nangyari sa character ko dun, parang mamamatay lang ako. 

“At least, pinahiram ako ng Pahiram Ng Sandali kahit ngayon lang.”



BENJAMIN ALVES. Sa Coffee Prince, mukhang may magandang nabuong samahan sa pagitan nila ni Benjamin Alves. Sila na ba?

               

“Hindi,” ang mabilis na sagot ni Max.

Nanliligaw na ba si Benjamin sa kanya?

“Hindi… ano, e, sweet-sweet kami, pero walang formal step. 

“Nagha-hang out kami. Lumalabas minsan, kasi close kami. 

“Close lang,” diin ng dalaga.

Ano ang naging reaksiyon ni Benjamin nang malaman nitong si Max na ang leading lady ni Dingdong Dantes sa Pahiram Ng Sandali?

Sagot ng young actress, “Masaya siya. Ang exact word niya, ‘I’m very proud of you and you deserve it.’”

Hindi ba nalungkot si Benjamin na tapos na ang Coffee Prince at may iba nang leading man si Max?