May pressure at kaba si Dingdong Dantes dahil makakatrabaho niya ang pinagsama-samang mga batikang talents ng industriya sa primetime series na Pahiram Ng Sandali. Saad niya, “Yung kumbinasyon ng lahat, talagang dream come true po para sa akin bilang isang artista na mapasama po sa proyektong ito.”

Photo: Noel Orsal

Sa trailer pa lamang ng bagong teleserye ng GMA-7 na Pahiram Ng Sandali, makikita nang mai-involve si Dingdong Dantes sa dalawang babae.

Si Dingdong ay gaganap bilang si Alex, isang photo journalist na magkakaroon ng kaugnayan sa mag-ina—gagampanan nina Lorna Tolentino at Max Collins.

Sa trailer din, ipinakita na parehong may kissing scene si Dingdong kina Lorna at kay Max.

Sa presscon ng Pahiram Ng Sandali noong Martes, November 20, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong kung masarap ba sa pakiramdam ang pinag-aagawan ng dalawang babae.

“Hindi ko naman nakikita na ganoon,” ang nakangiting sagot ng aktor.

“Nagkataon lang din na meron kaming mga hiniram na sandali noong mga pagkakataong yun.

“Pero, nandoon kami sa maling oras, maling pagkakataon, kaya naging kumplikado.”



MAY-DECEMBER AFFAIR. Sa Pahiram Ng Sandali, tila magkakaroon ng May-December love affair sa pagitan nina Dingdong at Lorna.

Kung wala bang Marian Rivera sa buhay ni Dingdong, posible bang ma-in love ang aktor sa isang nakatatandang babae?

Sagot ng 32-year-old Kapuso actor, “I don’t want to put it in a context na kung walang ganoon.

“I wanna put it this way na, siguro naman, sa pag-ibig, wala namang kinikilalang edad na kahit ano.

“As long as sincere, as long as totoo, as long as nagkakasundo, e, kahit ano pa ‘yan.

“Minsan nga, ang relationship ng tao at animal, minsan, mas higit pa sa kaibigan dahil nandoon ang trust, ang loyalty.

“It depends on the intensity, so ako, it doesn’t matter.”

Naitanong din kay Dingdong kung nangyari na nanghiram na siya ng sandali?

Sagot niya, “Kung sakali man, sinisiguro kong isosoli ko. Halimbawa, nanghiram ako ng laruan.