Isa pa ring Kapatid ang Superstar na si Nora Aunor. Saad niya, “Alam mo, ang masasabi  ko lang diyan, talagang purong Kapatid ako. Dahil sa ang TV5 ang nagbigay ulit sa ‘kin… ang nagtiwala at naniwala na puwede pa ‘kong gumawa ng mga ganung... katulad ng Sa Ngalan ng Ina. Sila lang talaga yung nagsugal. Kaya ako bumalik dito sa Pilipinas, dahil sila lang ang naglakas-loob na igawa ako ng ganun at ikontrata ng tatlong taon.”

Photo: Noel Orsal

Abalang-abala ngayon ang Superstar na si Nora Aunor.

Inaabangan ng marami ang dalawang pelikula niyang kasali sa Metro Manila Film Festival ngayong taon: ang Thy Womb at El Presidente.

Magbabalik-teleserye rin ang Superstar sa pamamagitan ng bagong proyekto niya sa Kapatid network, ang Never Say Goodbye, na ididirek ni Mac Alejandre.

Makakasama niya rito sina Cesar Montano, Alice Dixson, Gardo Versoza, at ang grand winners ng Artista Academy na sina Sophie Albert at Vin Abrenica.

Sa story conference ng nasabing teleserye noong Martes, December 2, sa Mario’s Tomas Morato, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Superstar.

Excited daw si Ate Guy na muling sumabak sa drama sa pamamagitan ng Never Say Goodbye.

Sabi niya, “Lalo na sa mga kasama ko, kay Alice, kasi matagal ko na rin siyang gustong makasama.

“Nagkasama kami sa Enchanted [Garden], pero sandali lang."

Ano naman ang pakiramdam na maging leading lady nina Cesar Montano at Gardo Versoza—na incidentally ay parehong gumanap noong bilang Machete?

“Dyusko, ang feeling ko, napakaganda ko!” pagbibiro ni Ate Guy.

CERTIFIED KAPATID. Pinapatunayan ba ng kanyang bagong teleserye na isa pa ring certified Kapatid si Nora?

Sagot ng aktres, “Alam mo, ang masasabi ko lang diyan, talagang purong Kapatid ako.

“Dahil sa ang TV5 ang nagbigay ulit sa ‘kin… ang nagtiwala at naniwala na puwede pa ‘kong gumawa ng mga ganung... katulad ng Sa Ngalan ng Ina.

“Sila lang talaga yung nagsugal.