Malalim at matagal na ang pinagsamahan ng Forever co-stars na sina Geoff Eigenmann at Heart Evangelista. Kaya ang masasabi ni Geoff sa mga bumabatikos sa kapareha: “When people bash her, I don’t believe right away because I know her in a different way… I know the real Heart more than anybody else that worked with her and I really know her so well.”

Photo: Noel Orsal

Dalawang katauhan ang ginagampanan ni Geoff Eigenmann sa bagong panghapong serye ng GMA-7, ang Forever.

Si Geoff ay si Ramon at si Patrick na parehong iibig kay Adora, na gagampanan naman ni Heart Evangelista.

Sa presscon ng Forever kagabi, January 8, sa 17th floor ng GMA Network Center, sinabi ni Geoff sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na tila “past” at “present” ang dalawang karakter na ginagampanan niya sa kanilang soap.

“Yung una kasi namin ni Heart, yung Hiram, I played one guy, pero two different characters kasi may amnesia, nag-iba ano niya.

“Basically, ano lang siya, nakakalimot, pero hindi siya yung nangyari doon sa guy na yun.

“With this one [Forever], two different characters talaga siya—isang '50s at isang present time.”

Ngunit ayon sa iba, tila inspired sa mga nauna nang pelikula ang tema ng Forever. Ano ang reaksiyon dito ni Geoff?

“If it is, kung iisipin ko naman, I don’t think it’s one hundred percent similar.

“I’m sure may difference and sigurado naman na matagal nang hindi nagagawa yun—o matagal nang hindi nakikita ng tao.

“So, may ibang twist ito when it comes to that.”



FAVORITE LEADING LADY. Muling pinagtambal ng GMA-7 sina Geoff at Heart dito sa Forever.

Nabanggit ni Heart sa hiwalay na panayam na 18 years old pa lang siya nang una niyang makatambal si Geoff. Kapwa nasa bakuran pa sila noon ng ABS-CBN.

“Matagal,” kumpirma ni Geoff. “Nagsimula kami 18 years old… almost ten years.”

Bukod sa girlfriend niyang si Carla Abellana, masasabi ba ni Geoff na si Heart ang isang aktres na kumportable siyang katrabaho?

Sagot niya, “Si Heart has always been one of my favorites na ka-partner.

“Every time na people say na magkakatrabaho kami—kasi yun ang una naming nalalaman most of the time—I’m always game about it.