news

Gloria Romero on doing Forever: “Hindi ko akalain na sa edad kong ito, makakagawa pa ako ng ganitong klaseng TV drama.”

by Ruel J. Mendoza posted on January 14, 2013  STATS: 8852 Views | 14 Comments

Namamangha at emosyonal si Ms. Gloria Romero sa pagbabalik niya sa isang romantic teleserye tulad ng Forever. Kuwento niya: “It’s a different romantic story and it’s something that I am used to do noong araw pa. It brings back memories, kaya siguro ako naging emotional.”

Photo By: Noel Orsal

Hindi napigilan ng Philippine movie queen na si Ms. Gloria Romero na maiyak nang mapanood niya ang audio-visual presentation para sa bago niyang drama series na Forever sa GMA-7 noong January 8.

Paliwanag niya, “Hindi ko kasi akalain na sa edad kong ito [79 years old], makakagawa pa ako ng ganitong klaseng TV drama.

“I’ve done so many series in the past, ngayon lang ako talaga naiyak sa napanood ko.

“Hindi ko alam kung bakit ako naging masyadong emotional… pagpasensiyahan ninyo na ako.

“Siguro nga masayang-masaya lang ako sa paggawa ko ng show na ito.

“Kaya once again, thank you GMA-7 for giving me this one-of-a-kind drama on television.”



WITH GMA-7. Ang Forever ang ika-limang show ni Tita Glo since lumipat siya sa GMA-7.

Una niyang ginawa ang Munting Heredera at sinundan ito ang sitcom na Andres de Saya. Sumunod na ang teleseryeng Makapiling Kang Muli at ang pinakahuli ay ang Cielo de Angelina.

    

Sa Forever, kasama ng movie queen sina Heart Evangelista at Geoff Eigenmann.

Gaganap si Tita Glo bilang si Adora, isang elderly woman na isa lamang ang inibig sa buong buhay niya—si Ramon, na ginagampanan ni Geoff Eigenmann.

Si Ramon ay namatay dahil sa ipinaglaban nito ang kanyang pag-ibig kay Adora.

Ilang dekada ang lumipas at muling mabubuhay si Ramon sa katauhan ng isang artist na si Patrick, na laging ginuguhit ang larawan ng dalagang si Adora.

Sa pamamagitan ng isang antigong relo, babalik sa kanyang dalagang anyo si Adora upang muling buhayin ang naudlot nilang pag-ibig ni Ramon.

Pero dahil sa mga pangyayaring ito, mabubuhay muli ang mapapait na nakaraan at mauulit ito sa kasalukuyang panahon.

Si Heart naman ang gaganap na dalagang Gloria Romero bilang Adora.

Gumanap na dati si Heart bilang dalagang Gloria Romero sa pelikulang Nobody, Nobody But Juan (2009) kunsaan bida ang yumaong King of Comedy na si Dolphy.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

14 Comments

  • 14  winklebee

    01/15/2013 | 01:40 PM
    ganda ng indio kagabi.. at i'm sure maganda din itong forever.... for sure kaabang abang ito..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  maryobalonan

    01/15/2013 | 10:49 AM
    a love story involving a mature woman and a young man [parang tiya pusit lang ang peg] pero seryoso na me konting comedy [for sure winner ito] paging abs cbn! tapos ang bida either susan roces at john llyod cruz or boots anson roa at jericho rosales or madam margarette [helen gamboa] nathan [paolo avelino] in one series - paano kaya ito tatanggapin ng masa for sure malaking usapin ang teleserye na ito!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  fecatada

    01/15/2013 | 04:53 AM
    Spanish beauty
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    7thHeaven
    01/19/2013 | 01:38 PM
    ilocana
  • 11  yukor131

    01/15/2013 | 01:45 AM
    I love Gloria Romero, ang ganda pa rin nya. Silang dalawa ni Eddie Garcia ang mga hinahangaan kong veteran actor/actress. Sobrang galing pang umarte.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  winged_angel

    01/14/2013 | 10:46 PM
    Tita Minervaaaa!!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pearl102

    01/14/2013 | 10:27 PM
    Hindi bagay kay Heart na maging young Gloria kasi hindi sila magkamukha. Ang layo ng itsura, sabagay puede na rin sa panahon ba naman ngayon eh wala ng imposible, meaning yung young Gloria nagpa BELO ng bonggang bongga HAHAHA. Seriously, sana si Jackie Rice na lang ang ginawang young Gloria.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • spotthedifference

    01/14/2013 | 10:16 PM
    sana kahit anong network, yung mga veterans naman ang gawan ng kuwento ng mga writers at iproduce ng serye..magagaling sila.. malaking tulong sa industriya. inspirasyon sa kabataan at hindi ba punong puno rin ng interesting na istorya ang mga matatanda??
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    maryobalonan
    01/15/2013 | 07:19 AM
    a love story involving a mature woman and a young man [parang tiya pusit lang ang peg] pero seryoso na me konting comedy [for sure winner ito] paging abs cbn! tapos ang bida either susan roces at john llyod cruz or boots anson roa at jericho rosales or madam margarette [helen gamboa] nathan [paolo avelino] in one series - paano kaya ito tatanggapin ng masa for sure malaking usapin ang teleserye na ito!
  • jdcamz

    01/14/2013 | 09:19 PM
    just watched indio.. very nice pilot episode.. bravo
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gobernadora

    01/14/2013 | 09:07 PM
    love u tita Glo.... the true queen of Philippine movie!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • bonbon8

    01/14/2013 | 09:01 PM
    We salute you, Ms. Romero. And to GMA: I hope this won't be a ripoff of "Somewhere in Time."
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    7thHeaven
    01/19/2013 | 01:38 PM
    moments of love
  • merlion_25

    01/14/2013 | 08:56 PM
    Aabangan naming mga GMA Pinoy tv subscribers ang Forever.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • flightforge29

    01/14/2013 | 08:44 PM
    Ive used to watch her sa ABS.. sana try ko itong panoorin na serye kahit kapamilya ako..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pipay_ganda

    01/14/2013 | 08:43 PM
    ganda pa din ni ms gloria
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • angelgurang15

    01/14/2013 | 08:29 PM
    Wow nice , abangan ko ito congrats gma7
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About