Napag-alaman ng PEP, though unconfirmed, na ang next movie ni Rocco under GMA Films ay ang My Lady Boss, a romance-comedy na pagbibidahan diumano nina Richard Gutierrez at Marian Rivera.

Photo: Noel Orsal

After last year's Cinemalaya New Breed entry, Ang Sayaw Ng Dalawang Kaliwang Paa, kung saan gumanap siya bilang isang closet gay, muling mapapanood si Rocco Nacino sa isa na namang gay indie film.

This time, it's a comedy, titled I Love You, Pare Ko. Ang love interest ni Rocco dito ay si Rodjun Cruz.

"Nag-e-enjoy ako [in doing gay roles], pero, sabi ko, itong film na ito... last ko na itong pag-portray na gay.

"I don't want to be stereotyped as (onscreen) gay," sabi ni Rocco, sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kahapon, January 18, sa GMA-7 studios.

But why so soon?  In a matter of less than 7 months, may bagong gay movie appearance uli ang premyadong young actor.

"'Yun nga," naisip niya.  "Kaya sabi ko... kasi nga, challenge siya.  Parang ganun."

"Comedy (naman), tapos ibang klaseng pag-portray ko.  So, sabi ko, gagawin ko, pero last na."

What if may dumating uling magandang offer, na kasing challenging.

Hindi ba niya ire-reconsider?

"It depends. But it will take time muna," sambit ni Rocco. "Hindi lang naman gay roles ang available, e."

RODJUN CRUZ's "LEADING LADY".  Earlier, sa promo-guesting nina Rocco Nacino at Rodjun Cruz sa show ni Kuya Germs (German Moreno's Walang Tulugan With The Master Showman), naging "game" naman si Rocco sa pagpapa-interview at pag-arte, bilang isang bading (gay).

Tuwang-tuwa si Kuya Germs sa dalawang bida ng bagong gay indie film

Katuwang niyang naghu-host ang young actor-protege na si Jhake Vargas at ang dalawang mainstays ng show, na sina John Nite at new female TV host, Gaby (o Gabbie) Garcia, whom Kuya Germs introduced as the daughter of character actor, Emilio Garcia.

Tinanong ni Jhake si Rocco kung sino ang leading lady ng pelikula.