Sa ilalim ng mahusay at epektibong pamumuno ni Ronnie sa Optical Media Board, nakatanggap ito ng parangal mula sa FAMAS bilang pagkilala sa kanyang walang humpay na kampanya laban sa piracy

 

Photo: Noel Orsal

Sa presscon ng The Fighting Chefs, dala-dala ni Ronnie Ricketts ang isang kopya ng Certificate of Recognition na iginawad kamakailan ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences, Inc. (FAMAS) sa Optical Media Board (OMB).

Nakasaad sa komendasyon ang pagkakatanggal sa watchlist ng Pilipinas bilang isa sa mga bansang nagba-violate ng Anti-Piracy at Anti-Intellectual Property Law.

Si Ronnie ang Chair at Chief Executive Officer ng OMB.

Siya rin ang bida sa nasabing light comedy-action movie na handog ng Viva Films kung saan sa unang pagkakataon ay nakasama niya ang isa sa pinakasikat na chef sa buong bansa, si Chef Boy Logro.

Sa March 6 nakatakdang ipalabas ang The Fighting Chefs.

PROUD OF HIS WORK. “Dito nga sobrang proud ako. Kasi lahat ng pagod ko, e, parang biglang nawala,” pagtukoy niya sa dala-dalang komendasyon noong nakapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

“Alam niyo naman na bilang chairman, maaga pa lang nasa office na ako. Nagta-trabaho na at halos wala na akong time sa pamilya ko.

“Team player din kasi ako. Gusto ko pag may lakad ang opisina, halimbawa may operation kaming gagawin, gusto ko kasama talaga ako.

“Nakita niyo naman siguro sa TV, napapasabak talaga ako.

“Kaya nga itong 2013 Special 301 Review kung saan special mention nga ang Pilipinas na nawala na sa watchlist of violators, napakalaking bagay nito sa akin.

“Of course, ang credit ay hindi lamang sa akin kundi pati na sa lahat ng aking mga tauhan at allied government offices na kasangga sa misyon na ito.”

EDUCATION AS THE BEST WEAPON. Isang programa pa nga raw ang isinusulong niya ngayon para lalo pang maging epektibo ang kanyang kampanya laban sa pamimirata ng mga CDs, DVDs, CD-ROMs, textbooks and review materials.

“Alam mo, may reach-out project kami,” kuwento niya.