Sa kabila ng pag-amin ni Alden Richards na hindi talaga siya singer ay magkakaroon na siya ng solo album. Ito naman ang mensahe niya sa mga bumabatikos sa kanyang pagkanta: “Hindi naman po ako singer talaga. Sa lahat po ng mga talents, yun po ang wala ako, pagkanta talaga. Kung gusto ninyo pong i-download ang kanta ko at mapakinggan, okay lang po. Kung ayaw ninyo po, okay lang din po sa akin. Kasi, ayoko naman pong ipilit."

Photo: Noel Orsal

Sinadya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden Richards sa taping ng Mundo Mo’y Akin kahapon, April 10, sa Kamias Road, Quezon City.

Ang Mundo Mo’y Akin ay ang GMA-7 primetime series na muling pinagbibidahan nina Alden at Louise delos Reyes.

Sa gitna ng taping, pinayagan si Alden na sumaglit ng isang oras sa GMA Network Center para naman sa band rehearsal.

Paliwanag ni Alden, ang rehearsal ay para sa launching ng kanyang single sa Party Pilipinas ngayong Linggo, April 14.

“Nag-rehearsal lang po ako. Pinayagan naman po nila akong makaalis sa taping ng isang oras para nga po mag-rehearse.

“It’s for my single, sa album ko po under Universal Records, ang  'Haplos.'

“Yung album ko po, sa May pa po siya lalabas, pero yung single ko po na 'Haplos,' nakalabas na po siya sa iTunes @ mymusicstore sa Internet.”



TENSE. Habang nagkukuwento si Alden, nakikita naming excited siya pero halatang kinakabahan din.

May kaba nga ba siyang nararamdaman para sa launching ng kanyang single sa Linggo?

“Opo,” pag-amin ng Kapuso heartthrob.

“Kasi, before pa lang po, marami na ang kumukuwestiyon—hindi naman daw po ako singer.

“Pero siyempre po, two years na rin ako sa showbiz, alam ko naman po na hindi naman po lahat sa iyo, hindi naman po lahat, kaibigan mo, e.

“Hindi naman lahat, okay sa ginagawa mo.”



QUESTIONABLE TALENT. Ano ang nararamdaman niya kapag kinukuwestiyon ang kakayahan niya bilang isang recording artist?

“Okay lang po,” sambit niya.

“Hindi naman po ako singer talaga. Sa lahat po ng mga talents, yun po ang wala ako, pagkanta talaga.

“Kung gusto ninyo pong i-download ang kanta ko at mapakinggan, okay lang po.