Sa nakaraang presscon ng The Voice of the Philippines last Friday, April 12, naging bukas at tapat si Apl de Ap tungkol sa espesyal na damdamin niya para kay KC Concepcion.
Naikuwento ni Apl de Ap ang paglabas nila ni KC noon, pati na rin ang dahilan kung bakit huminto siya sa panunuyo dito sa kabila ng pag-amin niya na naging seryoso siya sa damdamin para sa aktres at ang planong buhaying muli ang nararamdaman niya para dito.
“We had a dinner date with friends and staff. It was a short time, short engagement coz I had to leave, I had a flight to US that night,” panimula niyang kuwento sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
“She got busy, I got busy. While I was on tour, she got really busy. I focused on my tour, on my career. We never knew what was gonna happen, I still got to know her again and we’re still friends.”
Agad na tinanong si Apl de Ap kung ano ang nagustuhan niya sa actress/TV host at tulad ng ibang normal na lalaki, inamin niya na nagustuhan niya ang pisikal na ganda ni KC hanggang sa paunti-unti na niyang nakilala ang ilan sa mga magagandang ugali nito.
“First you know it was a physical attraction, then I got to know her, she’s cool to hang with. I thought she’s gonna be kind of reserved but she’s actually open-minded, very talented and very friendly,” dagdag niya.
Kamakailan lang ay nagkaroon si KC ng foreigner boyfriend (Pierre-Emmanuel Plassart) pero nauwi rin ito sa break-up dahil hindi pa raw ready ang dalaga sa isang seryosohang relasyon.
Lumalabas lang sa nangyari na mukhang hindi pa raw talaga handa ang aktres sa isang malaliman at seryosong relasyon, lalo na't ang nasabing manliligaw ay nagpahayag ng kanyang kagustuhang pakasalan si KC.
FRIENDSHIP FIRST. “You know a great relationship starts with having a good friendship first, so we can continue to be good friends. Friendship is a good foundation so definitely I’d like to hang out, have some food, have some drinks with her. And got to know her more,” saad ni Apl.
Gaya ng ibang normal na manliligaw, naranasan din ni Apl na magbigay ng bulaklak at ibang mamahaling bagay sa nililigawan. Dito ay inamin din nito na naging seryoso talaga siya sa nararamdaman niya para kay KC.
“Yes, I gave her flowers before. I think I bought her a bracelet for Christmas,” pagbalik-tanaw niya.
“I was [serious] at that moment but unfortunately we didn’t connect well. She got so busy but we’re still friends... Nothing stopped, we still communicated, but when I found out she had a boyfriend, I didn’t pursue what I felt for her anymore.”
Sa kabila ng mga makabagong kaugalian tungkol sa panliligaw at pakikipag-relasyon, hindi pa rin nawawala sa mga Pinoy ang mga nakasanayan nang tradisyon tulad ng panunuyo sa mga magulang ng nililigawan. Ito daw ay isang bagay na handang gawin ni Apl sa ina ni KC na si Sharon Cuneta-Pangilinan.
“Talk to her Mom first, okay, hahaha! Ligawan muna ang Nanay bago siya... okay.”
JUST FRIENDS WITH KRIS AQUINO. Naugnay din ang pangalan ni Apl sa Queen of All Media na si Kris Aquino. Ayon naman kay Apl ay magkaibigan lang talaga sila ni Kris.
“Me and Kris we’re just good friends, I look up to such a hard working woman, that really inspires me to do more. She’s really successful and she’s a great friend of mine. We have a great friendship, we’re still friends, we still hang out... nothing happening.
Kinuwento rin ng foreign performer na bukas pa rin ang komunikasyon nila ng sikat na TV host/actress.
“We text each other, I follow her Instagram and she’s a very busy woman so we go out first, and drink. I visited at her house, hung out and had dinner,” pag-amin ni Apl.
Sinasabing bibihirang long distance relationship ang nagtatagumpay at ganito rin ang paniniwala ni Apl.
“To be able to start a relationship I got to be here to prove myself, my time and effort for the relationship,” saad niya.
Aminado naman si Apl na halos lahat ng naging karelasyon niya ay mga Pinay at nakikita nitong ang maaring mapangasawa ay isa ring Filipina.
“Yes, most of my ex-girlfriends are Pinay. Who will I marry? Definitely Pinay,” diin niya.
EXCITED WITH COACHING STINT. Bumalik sa Manila si Apl ilang araw na ang nakakalipas bago pa man maganap ang presscon ng The Voice. Nakatakdang ipalabas ang bagong reality TV singing competition sa June.
Kasalukuyang abala si Apl de Ap sa mga rehearsals para dito.
Para sa kanya ang pagiging isa sa mga coach ng The Voice ay malaking tulong para makahanap din siya ng mga Filipino talents na gusto niyang tulungang makapasok din sa international music.
“Basically, we're running through rehearsals for the Voice... some taping. I’m really focusing on this. Very excited, it’s a new thing for me to be on TV daily. I’m not used to it but I’m having a good time, it’s gonna be fun.”
“I’m always open to... like, I’m looking for Filipino artists. I’m starting my label and I’m searching for Filipino talents, this is the freeway to find them.”
