Rochelle Pangilinan on secret of happy relationship with boyfriend Arthur Solinap: “Kung sakaling may problema, pinag-uusapan namin. Hindi namin tinatapos ang isang araw na hindi kami nag-uusap.”

Photo: Noel Orsal

Halos mag-iisang taon din bago nagkaroon muli ng teleserye ang dancer turned actress na si Rochelle Pangilinan.

Ang huiling soap na ginawa niya para sa GMA-7 ay ang afternoon prime na Broken Vow.

Pero walang hinanakit o pagkainip kay Rochelle sa matagal niyang pagkabakante sa mga teleserye.

Kasama si Rochelle sa cast ng bagong early priemtime series ng Kapuso network, ang Home Sweet Home, na magsisimula nang umere sa Lunes, April 22.

Ayon sa dating miyembro ng SexBomb Dancers, “Mag-iisang taon bago nasundan nito ngang Home Sweet Home. Pero sa totoo lang, halos hindi ko naramdaman.

“Sa totoo lang, nag-enjoy ako sa regional shows ng GMA. Tapos, may Party Pilipinas.

"Ewan ko, nag-enjoy ako, kasi siguro gala talaga akong tao. So, masarap gumala nang gumala.

“Di ba, pagdating mo sa hotel, tulog, gala, kakain? Mas more on tulog at kain.”

Hindi ba siya nainip, nagtatanong na sa management tungkol sa pagbibigay nito ng bagong assignment sa kanya?

Sagot ni Rochelle, “Hindi, never kong tinanong si Mama Perry [Lansigan, her manager] kung ano ang show ko.

“’O, may show ka na, magpapayat ka na.’ Simula na akong maggulay-gulay.”

Nakausap ng PEP si Rochelle sa press conference ng Home Sweet Home kagabi, April 16, sa GMA Network Center.

KONTRABIDA ROLE. Ginagampanan ni Rochelle sa Home Sweet Home ang role ni Wendy, ang ex-girlfriend ng karakter naman ni Raymart Santiago.

“Ako yung mayaman na naghahabol,” sabi niya.