PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Albie Casiño on past issue with Andi Eigenmann: "Kasi feeling ko naman, lahat naman po tayo ay naka-move on na po dun, e. So, hindi na po siya kailangang i-bring up.”

Albie on being a good man: “Opo, puwede nang pang-sakristan. Papasa naman siguro.”
by Arniel C. Serato
Published Apr 18, 2013
Ipinaliwanag ni Albie Casiño ang kanyang panig tungkol sa pagkadismaya ng ilang press na nag-interview sa kanya tungkol sa ex-girlfriend niyang si Andi Eigenmann. Sabi niya, "Kasi mahirap sagutin yung mga tanong nila. What for pa, di ba, nagda-die down na nga siya [issue with Andi] tapos ba’t ko pa bubuhayin ulit, di ba?”

Ganadong-ganado si Albie Casiño sa kanyang performance sa mall show ng TV5 na pinamagatang Go Fresh, Go 5 sa Park Mall, Mandaue City in Cebu last Saturday, April 13.

Isa si Albie sa mga Kapatid stars na ipinadala ng istasyon sa Cebu—kasama sina Wendell Ramos, Chadleen Lacdo-o, Chanel Morales, Akihiro Blanco, at Eula Caballero—upang mag-promote ng mga bagong shows ng TV5; kabilang na ang Cassandra: Warrior Angel kung saan isa siya sa mga leading men ni Eula.

Sabi ni Albie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at sa Ang Latest ng TV5, “A, nakakatuwa po, natutuwa naman ako at nakasama ako dito. Andaming tao po nandito, so nakakatuwa po.”

During his number, kahit hinarang ng maraming guards at marshals ng mall, sumugod si Albie sa audience para makipagkamay, makipagbeso, at magpalitrato sa mga fans na nandoon na walang tigil sa kakatili sa kanya.

Unfortunately, nakalmot at nagkapasa-pasa si Albie pagkatapos dahil sa pagdumog ng mga tagahanga, pero hindi ito inalintana ng young actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi niya, “Wala po ito. Mas gusto ko talagang lumapit sa mga audience kapag may mga mall shows dahil matagla po silang naghintay sa venue at ang init-init pa kaya kailangang pasayahin naman natin sila.”



ALBIE, THE ALTAR BOY. Napadako naman ang usapan sa bagong fantaserye ng TV5 kung saan gaganap siya bilang isa sa love interest ni Eula.

This week na raw siya magsisimulang mag-taping.

“Sakristan po ako doon,” sabi niya tungkol sa kanyang role.

Ano ang pakiramdam na isang sakristan ang role niya sa Cassandra?

Nakangiting tugon ni Albie, “Okay lang po, inaaral ko na po yung role, tinitingnan ko na po kung ano yung mga ginagawa ng mga sakristan.”

Base sa pagkakaalam niya, mabait daw ang role na kanyang gagampanan sa serye.

Biro naman namin sa kanya: Sa totoong buhay ba ay isa rin siyang mabait na tao?

Mabilis niyang sagot, “Opo, puwede nang pang-sakristan. Papasa naman siguro.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



LET’S ALL MOVE ON. Sa ngayon, wala raw lovelife si Albie dahil bukod sa kanyang pag-aaral ay magiging abala na siya sa taping ng Cassandra.

Saad niya, “Ngayon, Cassandra lang muna, work and school. Wala pa po kasi... wala pa pong time talaga.

“Mahirap kasi yung school, e, tapos dagdag pa taping.”

Ano ang pakiramdam na unti-unti nang nawawala ang pagkakadikit ng pangalan niya sa ex-girlfriend niyang si Andi Eigennman?

Sagot ni Albie, “Nakakatuwa din po… kasi feeling ko naman, lahat naman po tayo ay naka-move on na po dun, e. So, hindi na po siya kailangang i-bring up.”

May stigma ba ang nangyaring awayan nila ng ex-girlfriend?

Sagot niya, “As much as possible di ko siya iniisip, e, so hindi naman masyado naiisip na.”

Kumpirmado namang nagkikita pa rin si Andi at ang ex-boyfriend din nitong si Jake Ejercito, kahit parehong inamin ng dalawa na hindi talaga sila nagkabalikan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ano ang reaction ni Albie dito?

“Ay, ano po? Wala na po akong say dun, parang buhay na nila yun.”



BAD PRESS. Noong nakaraan namang presscon ng Cassandra, kung saan pormal na siyang ipinakilala bilang bagong Kapatid, ilang miyembro ng press ang nadismaya sa mga sagot ni Albie sa kanilang mga katanungan. Ano ang masasabi niya dito?

Paliwanag niya, “Kasi mahirap sagutin yung mga tanong nila.

“What for pa, di ba, nagda-die down na nga siya [issue with Andi] tapos ba’t ko pa bubuhayin ulit, di ba?”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ipinaliwanag ni Albie Casiño ang kanyang panig tungkol sa pagkadismaya ng ilang press na nag-interview sa kanya tungkol sa ex-girlfriend niyang si Andi Eigenmann. Sabi niya, "Kasi mahirap sagutin yung mga tanong nila. What for pa, di ba, nagda-die down na nga siya [issue with Andi] tapos ba’t ko pa bubuhayin ulit, di ba?”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results