Sina Angel Locsin at Governor ER Ejercito ang itinanghal na Best Actress at Best Actor sa FAMAS Awards na ginanap kagabi, April 21. Nagwagi si Angel para sa pagganap niya sa One More Try, habang si ER naman ay nagwagi para sa role niya bilang si Emilio Aguinaldo sa El Presidente. (CLICK HERE to view photos taken during the awards night)

Photo: Arniel C. Serato

Masasabing gabi ng El Presidente ang 61st FAMAS Awards dahil bukod sa nakuha nito ang lahat ng technical awards, halos lahat din ng major awards ay nakupo ng pelikulang pinagbibidahan ni Laguna Governor ER Ejercito, kasama na ang Best Actor trophy.

Sa labinwalong awards na ipinamahagi kagabi ay labing-apat ang nakuha ng El Presidente.

Past 8 p.m. na nagsimula ang main program ng FAMAS sa AFP Theater kahapon, April 21, dahil nauna munang ginawaran sa pre-show ang mga minor awardees and technical winners.

Ayon kay ER, masaya silang lahat dahil matapos magawaran sa Soho Filmfest sa New York ay nanalo naman sila sa FAMAS.

Ang itinanghal na Best Actress ay si Angel Locsin para sa kanyang pagganap sa One More Try.

Sa kanyang acceptance speech, matatawag daw na "maagang birthday gift" para kay Angel ang Best Actress award para sa kanyang 28th birthday sa Martes, April 23.

Ang co-star ni ER sa El Presidente na si Cesar Montano, na gumanap bilang Andres Bonifacio, ang nanalong Best Supporting Actor; habang si Jaclyn Jose naman ang nagwaging Best Supporting Actress para sa A Secret Affair.

Nagsilbing hosts sa programa sina Pops Fernandez at Christian Bautista.

Narito ang mga listahan ng mga nanalo sa 61st FAMAS Awards:

Best Picture: El Presidente

Best Actress: Angel Locsin (One More Try)

Best Actor: E.R. Ejercito (El Presidente)

Best Director: Mark Meily (El Presidente)

Best Supporting Actress: Jaclyn Jose (A Secret Affair)

Best Supporting Actor: Cesar Montano (El Presidente)

Best Screenplay: Mark Meily (El Presidente)

Best Story: El Presidente

Best Child Actress: Barbara Miguel (Migrante)

Best Child Actor: Miguel Vergara (One More Try)

Best Cinematography: Carlo Mendoza (El Presidente)

Best Production Design: Danny Red and Joel Bilbao (El Presidente)

Best Editing: Jason Cahapay and Ryan Orduña (El Presidente)

Best Musical Score: Jesse Lasaten (El Presidente)

Best Sound: Albert Michael Idioma and Addiss Tabong (El Presidente)

Best Theme Song: "Aking Inang Bayan" from the movie El Presidente; composed by Marizen Soriano, arranged by Jessie Lasaten, interpreted by Maita Ejercito

Best Special Effects: El Presidente


SPECIAL AWARDS

Recognition award for 50thyear in Philippine Cinema: German Moreno

German Moreno Youth Achievement Award: Xian Lim, Janella Salvador, Joyce Ching, Ruru Madrid

Art Padua Memorial Award: Cristy Fermin

Dr. Jose Vera Perez Memorial Award: Butch Francisco

Fernando Poe, Jr. Memorial Award: E.R. Ejercito

Presidential Award for Cinematic Arts Excellence: Nora Aunor

FAMAS Grand Award: MMDA and MMDA Chairman Francis Tolentino

Celebrity Skin of the Night: Maxene Magalona

Great Shape Award: Benjamin Alves