PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nadine Samonte on new non-showbiz “friend”: “Sobrang swak kami! Sobrang swak kami sa lahat ng bagay.”

Nadine on relationship with Derek Ramsay: “It’s not really meant to be.”
by Rommel R. Llanes
Published Apr 26, 2013
Hindi maitago ni Nadine Samonte ang kanyang kilig nang tanungin tungkol sa lalaking nagbibigay sa kanyang ng inspirasyon ngayon. Sabi ng aktres, “Basta I’m happy, iyon lang ang masasabi ko, I’m so happy. I’m happy na... Bago ‘yan, ha? Kinikilig at nagba-blush ako!”

“No!” ang nakabibiglang sagot ni Nadine Samonte nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung loveless siya ngayon.

Natiyempuhan ng PEP si Nadine sa taping ng Kidlat ng TV5 noong Lunes, April 22, sa Pasig City.

Dagdag pa ng Kapatid actress, isang non-showbiz Pinoy guy ang nagbibigay-kulay sa buhay niya ngayon.

“Wakeboarding,” tugon ni Nadine kung paano sila nagkakilala.

Kaya pala nakakahiligan ni Nadine ang naturang sport?

“Hindi, nagwe-wakeboard na ako, hindi ko pa siya kilala."

Wakeboarder daw ang naturang lalaki na ayaw i-reveal ni Nadine ang pangalan.

“Secret!” ang tumatawang pag-iwas ni Nadine.

So, wala nang chance na maging sila ni Derek Ramsay, na leading man ni Nadine sa Kidlat ng TV5.

“It’s not really meant to be!” at muling tumawa ang aktres.



LONG ENOUGH. Gaano katagal na silang may espesyal na pagtitinginan ng non-showbiz guy na ito?

“Lately, mga ilang months? Hindi ko masabing months, e.

“Basta I’m happy, iyon lang ang masasabi ko—I’m so happy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I’m happy na...” at nahinto si Nadine sa pagsasalita dahil kinikilig itong tumatawa habang nagba-blush.

“Bago ‘yan, ha? Kinikilig at nagba-blush ako!” at lalong tumawa si Nadine.

“Happy, happy lang ako.”

May mutual understanding na raw sila ng non-showbiz guy.

“It’s kinda like that, it’s getting there, it’s getting there. It’s like that... it’s getting there.”

Nakapunta na ba sa bahay nila ang lalaki?

“Hindi pa. Pero bukas pupunta siya sa Laguna.”

Nakilala na rin daw ng guy ang ina ni Nadine.

Taga-Manila ang guy pero sa Republic Wakepark sa Nuvali, Laguna ito nakilala ni Nadine.

Dito kasi madalas mag-practice ng wakeboarding si Nadine kapag walang taping or shooting.

Matanda kay Nadine ng twelve years ang naturang lalaki na base sa description ni Nadine ay “he’s working, at the same time, I think may business.”

Dagdag pa niya, “Ayoko munang magbigay ng ano kasi ipapakilala ko rin naman soon... soon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ano... he’s the type of person na he’ll take care of you kapag magkasama kayo—he’ll take care of you.”

Sinabihan na siya nito ng “I love you?”

“Yes!” may kilig na sagot ni Nadine.

Sinabihan na rin niya ng “I love you?” yung guy?

Tumawa muna si Nadine at saka sinabing, “Teka lang, hindi ko alam ang isasagot ko sa inyo, e! Teka lang!

“I’m so happy talaga, hindi ko alam kung bakit.

“Sobrang swak kami! Sobrang swak kami sa lahat ng bagay.

“Tapos everytime na magkasama kami, happy lang kami, e, wala kaming… alam mo yun?

“We talk about sports, about anything.”



NADINE’S TYPE. Binata at wala raw anak ang lalaking ito. Guwapo ba?

Sabi ni Nadine, “Alam mo, ang problema kasi sa akin, hindi ko nakikita kung ang isang tao, guwapo.”

May kamukhang artista?

“Wala, wala. Basta for me kasi, he’s cute in a way kasi I like chinky eyes.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi maitago ni Nadine Samonte ang kanyang kilig nang tanungin tungkol sa lalaking nagbibigay sa kanyang ng inspirasyon ngayon. Sabi ng aktres, “Basta I’m happy, iyon lang ang masasabi ko, I’m so happy. I’m happy na... Bago ‘yan, ha? Kinikilig at nagba-blush ako!”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results