[x]

Isang nakakagulat na announcement ang ginawa ni Marian Rivera ngayong araw, April 26. Kumalas na siya sa pangangalaga ng kanyang longtime manager na si Popoy Caritativo upang lumipat sa management ng APT Entertainment ni Mr. Tony Tuviera.

Click here to watch the video

Photo: Karen Pagsolingan

Kumalas na ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera mula sa pangangalaga ng kanyang longtime manager na si Popoy Caritativo.

Ngayon ay ang Triple A na ni Mr. Tony Tuviera ang mamamahala sa career ni Marian.

Ginawa ang announcement ng pag-alis ni Marian sa Luminary Talent Management ni Popoy at paglipat niya sa Triple A ngayong tanghali, April 26, sa Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City.

"Opo, hindi na po ako kay Popoy... effective nung isang araw pa," pagkumpirma ng aktres sa mga imbitadong miyembro ng media.

Marami ang nagulat sa desisyon na ito ni Marian dahil bago ito ay walang nababalitang tampuhan o samaan ng loob sa pagitan nila ni Popoy. Ang akala kasi ng marami ay maayos ang samahan nila bilang talent at manager.

Pero sabi ni Marian, "Hindi na nagiging productive yung relationship namin bilang talent manager at kaibigan.

"Isa lang ang sinabi ni Popoy: 'Rerespetuhin ko anuman ang nais mo.'"

Dagdag pa ng Kapuso actress, hindi raw ito biglaang desisyon.

Tumanggi si Marian na sabihin ang tunay na dahilan ng pagkalas niya kay Popoy.

Ito raw ay bilang respeto na rin kay Popoy na naging manager niya sa napakahabang panahon.

"Sabihin na lang nating may mga hindi pagkakaintindihan," sambit ni Marian.

DISCOVERER. Hindi naman ibang tao para kay Marian si Mr. Tony Tuviera dahil ito ang itinuturing ng aktres na "nag-discover" sa kanya.

Unang nabigyan ng break sa telebisyon si Marian sa mga afternoon soap na iprinodyus ng APT at TAPE Inc. para sa GMA-7: Kung Mamahalin Mo Lang Ako (2005), Agawin Mo Man Ang Lahat (2005), at Pinakamamahal (2006).

Hanggang sa mapansin siya ng Kapuso network at kunin sa mga proyekto nito.