Maayos daw ang relasyon ni Malak So Shdifat sa kanyang non-showbiz boyfriend kahit na gumagawa siya ng sexy roles. Sabi ni Malak, “Siguro malawak naman yung pag-iisip niya. Hindi kami nagkakaproblema sa ganyan as long as faithful ako.”

Photo: Noel Orsal

Big break para sa Artista Academy finalist na si Malak So Shdifat ang pagkakasama niya sa cast ng Misibis Bay, ang bagong mini-serye ng TV5.

Tinatampukan din ito nina Ritz Azul, Daniel Matsunaga, Vin Abrenica, Megan Young, Victor Silayan, Luke Jickain, Vivian Velez, Boots Anson-Roa, at Christopher de Leon. Mula ito sa direksiyon ni Monti Parungao.

Gagampanan ni Malak sa Misibis Bay ang best friend ni Ritz at love interest naman niya si Luke.

Umaapaw sa pasasalamat sa TV5 si Malak nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa story conference ng serye nila na ginanap last week sa Max’s Restaurant sa Roces Avenue, Quezon City.

Aniya, “Sobra talagang pasasalamat ko talaga… ‘eto, ha? Totoo ito…

“Sobrang praning ako kasi bago matapos ang NSG [Never Say Goodbye], talagang nagdadasal ako na sana meron pang kasunod.

“Tapos, natuwa ako kasi parang niloloko nila ako na, ‘O, nakita ko yung picture mo.’

“Pero binibigyan nila ako ng maliliit na kurot… ‘Totoo kaya yun?” tukoy niya sa Misibis Bay series.

“Lagi kong kinakausap yung boyfriend ko na, ‘Totoo ba yun?’

“Tapos, noong final na, sinabi na sa akin noong handler ko na, ‘O, Malak, kasama ka sa Misibis Bay. Sexy ito, parang Temptation [Island] ito.’

“So, ang reaksiyon ko, sobrang saya, hindi na ako nagpakipot pa.

“Sabi nga ng mga executives namin, ‘O, ayan, ha? Dahil mabait ka, may kasunod na namang project for you… Pakabait ka pa, pagbutihin mo.’"

Patuloy pa ni Malak, “Actually, nag-promise ako kay Ms. Camille [Montano, head ng Misibis Bay project]. Na pag nagtrabaho na, hindi na ako katulad ng dati na parang easy-easy…

"Babaguhin ko—pag work na, work na talaga.

“Kasi dati, parang nag-a-adjust pa ako. Galing kasi ako sa pagiging estudyante, tapos bigla akong napasok sa showbiz.