Aljur on his girlfriend Kylie Padilla's role in the making of his new self-produced album: “Actually, si Kylie po, malaki ang partisipasyon niya, kasi, after kong magawa ng kanta, after ng family ko, siya ang nakakarinig ng kanta. Tinatanong ko sa kanya kung may dapat bang baguhin. Siya ang nagki-criticize ng kanta ko before ko maparinig sa ibang friends ko. At saka, minsan po, binibisita niya rin po ako sa recording, nakakapagpa-inspire rin po at yun naman po ang importante.”

Photo: Noel Orsal

“Pero, may kontrata pa po ako sa GMA. Taon pa po ang kontrata ko sa GMA at yung mga bagay na ganyan, hindi pa po pumapasok sa isip ko.

“Malaki po ang tiwala at inaasahan ko po sa GMA,” diin niya.

Kumusta naman ang first half ng 2013 para sa kanya?

“Maganda, masaya po ako. Hinahayaan po nila akong mag-explore. Tulad nga po rito sa album, hinayaan po nila akong mag-self-produce,” kuwento ng binata.

NEW TELESERYE. Ngayong tapos na ang Indio, sinasabi na ang susunod niyang teleserye ay ang Prinsesa ng Masa kunsaan sila muli ng ka-loveteam na si Kris Bernal ang magkakatambal.

“Sinabi na po sa amin, Prinsesa ng Masa po, sa September, ang alam ko po, tuloy na po.

“Actually, hindi ko pa po alam ang eksaktong kuwento, pero, alam ko po, bagong materyal po sa soap.

“Tuloy na po ito, pero, siguro po, saka na lang nating pag-usapan kapag nandiyan na po talaga,” pakiusap niya.

Masaya naman siya na sila pa rin ni Kris ang magkakatambal?

“Opo, masaya po ako na kami pa rin ni Kris ang magka-partner rito,” saad niya.

ADVICE FOR KRIS. Napag-uusapan na rin si Kylie at gayundin si Kris, naitanong namin kay Aljur kung hindi ba siya nagbibigay ng payo sa ka-loveteam niya. Sa parte niya kasi, naging bukas na siya sa publiko ng totoong relasyon nila ni Kylie.

Pero, kabaligtaran nito si Kris na hanggang ngayon, hindi pa rin magawang umamin ng diretso kung ano nga ang namamagitan sa kanila ni Carl Guevara sa kabila ng marami na ang nakakaalam na tila silang dalawa na naman talaga.

Sabi naman ni Aljur, “Ako naman po, all respect ako sa mga artist ng GMA-7.