Halatang may kakaibang pagtingin si Kris Bernal kay Carl Guevara kahit hindi aminin ng aktres ang tunay nilang relasyon. Sabi niya: “As of now, si Carl ang nakikita kong mabait at talagang may respeto sa pamilya ko at may respeto sa akin.”

Photo: Noel Orsal

Kung si Kris Bernal ang masusunod, gusto niyang paghiwalayin ang text votes sa votes ng judges na pinaiiral sa bagong Sunday All Stars o SAS.


Sa bagong format ng nasabing show, apat na teams ang nagtatagisan ng galing sa kani-kanilang production numbers.

Miyembro si Kris ng team “Ligang iLike” na pinangungunahan ni Jolina Magdangal bilang team leader.

Hindi sila pinalad na manalo noong pilot episode ng show noong nakaraang Linggo. Ang “Team Tweet Hearts” ni Jennylyn Mercado ang umani ng winning scores mula sa judges at text voters.

Dahil sa kanilang pagkatalo, sinabi namin kay Kris na bakit hindi niya i-suggest ang kanyang nasasaisip?

“Ano naman ang karapatan kong mag-suggest?” ang natatawang niyang sagot sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Linggo, June 16, pagkatapos ng SAS pilot show.

INSTAGRAM MESSAGE. Pero ngayong Linggo, June 23, masusubukan naman ang kakayahan niya bilang team leader.

Sa Instagram account ni Kris, ipinapasa muna ni Jolina ang pagiging team leader kay Kris na napagkasunduan na ng production.

Kailangan kasing magpahinga ni Jolina ng dalawang linggo, base sa utos ng kanyang doctor.

Sa Instagram caption ni Kris, nakasaad na, “oh no! substitute muna ako ni Ate Jolens as leader ng Ligang iLike sa Sunday All Stars! :s grabeee… pressure and stress ito! :p

“pero thankful ako sa opportunity na mag-lead sa team…thank you Ate Jolens @mariajolina_ig & SAS production team sa tiwala!:)

“ibubuhos ko at ipipiga ko ang aking makakaya! to our followers, we need your support and cooperation…itodo natin ‘to!

“Ngayong Linggo, ABANGAN ang kakaibang pasabog ng Ligang iLike! J marami kaming sorpresa para sa inyo! Go go go team!!!”

REAL SCORE. Nagawi naman ang usapan sa relasyon ni Kris kay Carl Guevara, kaya diretsahan namin tinanong kung ano talaga ang estado sa pagitan nila ng Kapuso actor.