Hindi na itinatago ni Nadine Samonte sa publiko ang katauhan ng kanyang bagong boyfriend na nagngangalang Richard Chua. Sa kanyang Instagram account ay panay ang pagpu-post ng aktres ng mga larawan nila ng kasintahan.

Photo: Instagram

“Happily in love” ngayon si Nadine Samonte.

Sa kanyang account sa photo-sharing website na Instagram, very open na si Nadine sa pagpu-post ng mga larawan nila ng kanyang Filipino-Chinese non-showbiz boyfriend.

Sa isang post niya, nakalagay ang caption na ito:

“Throughout your life you’ll meet one guy unlike any other, you can talk to him and never get bored, tell him anything and never be judged. A best friend a boyfriend and a true love and being in a relationship isn’t about kissing, dates or showing off, it’s about being with the person that makes you happy and brings the best out of you.”

Ipinahayag din ni Nadine sa kanyang posts na welcome na welcome sa pamilya niya ang bagong karelasyon.

Ang term of endearment ni Nadine sa bagong boyfriend ay “booboo.”


WHO IS “BOOBOO”? Kahapon, Tuesday, July 9, sa surprise birthday treat ng bosses at talents ng TV5 sa Chairman ng istasyon na si Manny V. Pangilinan, inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nadine kung sino ba ang kanyang “ka-loveteam” sa totoong buhay.

Tugon niyang kinikilig, “In real life, very vocal naman ako na sinasabi ko nga na meron naman akong boyfriend ngayon—and I’m happy.”

Dagdag pa ni Nadine, “Months pa lang kami.”

Nang tanungin ng PEP kung ano ang pangalan ng kanyang boyfriend, nakangiting sagot niya: “Richard Chua, half-Chinese.”

Pero ayaw munang magdetalye ni Nadine sa buong kuwento ng kanilang pagmamahalan ni “booboo” Richard.

Sa ngayon, abala si Nadine sa bagong tele-sine ng TV5 na When I Fall In Love, kasama ang  Superstar na si Nora Aunor at si Tirso Cruz III.