"We are greatly saddened by their admission that they have indeed mutually agreed to end their relationship of more than four years," ALV Talent Circuit stated about the breakup of its talents Nikki Gil and Billy Crawford.

Photo: Noel Orsal

Hanggang ngayon ay tikom pa rin bibig ng dating magkasintahang sina Billy Crawford at Nikki Gil tungkol sa breakup nila.

Unang lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kumpirmasyon mula mismo kay Nikki, 25. Pero hindi pa siya nagbigay ng detalye dahil hindi pa raw siya handang magsalita.

Sa kabilang banda, wala pa ring statement mula naman sa panig ni Billy, 31.

Kaugnay nito, nakatanggap ang PEP ng official statement mula sa talent management nina Billy at Nikki, ang ALV Talent Circuit na pinamumunuan ni Arnold Vegafria.

Ayon sa statement, "We are greatly saddened by their admission that they have indeed mutually agreed to end their relationship of more than four years."

Humingi rin ang talent management ng paumanhin dahil sa hindi rin pagbibigay ng anumang detalye tungkol sa hiwalayang Nikki at Billy.

Narito ang kabuuang statement ng ALV Talent Circuit:

"On behalf of our artists, Billy Crawford and Nikki Gil, we are greatly saddened by their admission that they have indeed mutually agreed to end their relationship of more than four years. With due respect to their privacy, we are refraining from issuing any other facts or statements related to the issue at this critical juncture." 

Nananatiling bukas ang PEP sa anumang pahayag na nais ipahayag ng dalawang dating magkasintahan.